Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 28, 2007

PAMPUBLIKONG SASAKYAN SASAILALIM SA BODY NUMBER CODING

Inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang Resolution Number 101 Series of 2007 na sumosoporta sa implementasyon ng “Body Number Coding for Public Utility Jeepneys” nitong ika-8 ng Agosto.

Sa panukala ni Kgd. John Carlos delos Reyes ay ipinasa sa City Council ang adapsyon ng dating Resolution for the Experimental Implementaion of the Body Number Coding for Public Utility Jeepneys.

Nilalayon ng Resolution No.101 na makatulong upang maibsan ang bumibigat na daloy ng trapiko sa lungsod dulot ng dumaraming mga sasakyan.

Binibigyan din ng naturang resolusyon ng isang araw na pahinga ang mga pampasaherong jeepney kung saan ay tinatayang limampu (50) sa mga ito ang hindi papasada kada araw na magiging malaking kontribusyon naman sa paggaan ng daloy ng trapiko.

Samantala, narito ang detalye ng Number Coding Schedule:

Body Number Days Off
J01 001 – 050 Monday
J01 051 – 100 Tuesday
J01 101 – 150 Wednesday
J01 151 – 200 Thursday
J01 201 – 250 Friday
J01 251 – 270 Saturday
J11 001 – 030 Saturday
J11 030 – 080 Saturday

Naniniwala naman ang Office of the Traffic Management and Public Safety (OTMPS) na sa pagkakapasa ng naturang resolusyon ay mas mapagbubuti nito ang lagay ng trapiko sa lungsod gayundin ay mas masisiguro ang disiplina at kaligtasan ng publiko. Sa paglalaan din ng isang araw na pahinga para sa mga driver ay magkakaroon ang mga ito ng panahon upang masiguro na nasa maayos na kondisyon ang kanilang ipinapasadang pampublikong sasakyan.

Ayon sa resolusyon, ang Body Number coding ay magiing experimental muna at ipapatupad mula sa pagkaaproba ng resolusyon hanggang Sept. 30, 2007 lamang.

Ang pagkakapasa sa nabanggit na resolusyon ay batay rin sa rekomendasyon ni Jose Ramos, dating Head ng OTMPS.


PAO/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012