SBMA-Gapo team pambato ng RP
SUBIC BAY FREEPORT --- Magsisilbing kinatawan ng bansa ang isang emergency rescue team mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Olongapo City Disaster Management Office (DMO) para sa 3rd ASEAN Regional Disaster Simulation Exercise (ARDEX-07) na gaganapin ngayong Oktubre 22-25 sa Singapore.
Ayon kay SBMA Administrator Armand Arreza, ang nasabing 16-man SBMA-Olongapo team ay sasamahan ng mga instructors mula sa Office of Civil Defense (OCD) para maging bahagi ng Philippine Emergency and Rescue Team na makikipagtunggali sa regional capability-building exercise.
Ang simulation exercise, na isinasagawa sa ilalim ng 2005 sa ASEAN Agreement on Disaster Management and Emergency Response, ay inaasahang dadagsain ng mga participants mula sa bansang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.
Abante
(N.Ledesma)
Labels: 3rd ASEAN Regional Disaster Simulation Exercise, DMO, sbma
0 Comments:
Post a Comment
<< Home