MAYOR GORDON NATUWA SA ‘ACQUITTAL’ NI CAJUDO
Ikinagalak ni Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang pagkakaabsuwelto ng kanyang bise na si Cynthia Cajudo sa kaso ng katiwalian na kinaharap nito sa loob ng pitong (7) taon.
Mababakas ang labis na kasayahan ni Mayor Gordon sa balitang dinatnan niya mula sa kanyang opisyal na biyahe sa Estados Unidos.
Kaugnay nito ay naniniwala si Mayor Gordon na magdudulot ng positibong epekto ang nasabing balita sa kapakanan ng lungsod. “The acquittal of Vice Mayor Cajudo will lead our partnership in governance towards more developed and peaceful Olongapo,’’ pahayag ni Mayor Gordon sa “arrival interview’’ sa kanya.
Magugunita na kamakailan ay pinawalang sala ng Fifth (5th) Division ng Sandiganbayan si Cajudo sa di-umano’y paglabag nito sa Section 3 (e) ng Batas Republika 3019 (as amended) bagkus ay kinilala ng korte ang pagiging tapat at mabuting lingkod bayan ni Cajudo.
Pao/jms

Labels: Ikinagalak, Mayor ‘”Bong’’ Gordon, pagkakaabsuwelto, Vice Mayor Cynthia Cajudo
0 Comments:
Post a Comment
<< Home