OFRT, kampeon sa First Aid Olympics
Binigyang komendasyon ng Olongapo City Government ang ipinamalas na galing ng Olongapo City Fire Rescue Team (OFRT) sa nakaraang First Aid Olympics nitong ika-31 ng Agosto sa Tarlac City..
Sa ginanap na Flag Raising Ceremonies ng mga city officials and employees sa Rizal Triangle Multi-Purpose Hall, kinilala ng city government ang koponan ng Olongapo Fire Rescue Team matapos makapag-uwi ng dalawang (2) awards.
Hinirang na kampeon ang Olongapo City delegation sa 4th Regional First Aid and Basic Life Support Olympics na muling nagpatibay sa de-kalidad na kakayanan ng team pagdating sa disaster management.
Samantala, itinanghal ding Best in Situational Analysis Focus on Immobilization ang OFRT sa parehong event na dinaluhan ng mga kalahok mula sa iba’t ibang panig ng Region III.
Ipinagmalaki naman ng Pamahalaang Olongapo sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon ang Fire Rescue Team ng lungsod sa muling pagpapatunay na sumusulong ang Olongapo tulad ng slogan nitong “Fighting for Excellence”.
PAO/jpb

Labels: First Aid Olympics, kampeon, OFRT
0 Comments:
Post a Comment
<< Home