Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, September 27, 2007

PACQUIAO-BARRERA BOUT SA OLONGAPO CONVENTION CENTER MASASAKSIHAN

Muling matutunghayan ng mga boxing fanatics ng Olongapo ang inaantabayanang laban ng pambato ng Pilipinas na si Manny ‘’Pacman’’ Pacquiao laban sa tinaguriang ‘’Babyfaced Assassin of Mexico’’ na si Marco Antonio Barrera.

Ang 12-round battle na hihirang sa Super Featherweight Champion na magaganap Mandalay Bay Hotel & Casino in Las Vegas, Nevada, USA sa ika-6 ng Oktubre 2007 ay libreng masasaksihan naman ng mga residente ng Olongapo sa ika-7 ng Oktubre 2007, simula alas-8 ng umaga sa Olongapo City Convention Center (OCCC).

Sa naisin ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na maging bahagi ang mga Olongapeño sa laban ng taon ay inatasan niya si Dr. Donald Vigo na pangunahan ang pagse-set-up ng giant screen sa venue.

‘’Ang laban ni Pacman ay hindi lamang laban ng iisang Pilipino. Suportahan natin si Pacquiao dahil ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng sanbayanan,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Ang tapatang Pacquiao-Barrera ay hatid ni Mayor Bong Gordon sa mga Olongapeñong walang telebisyon sa tahanan o kaya’y nais masaksihan ang pagpapakawala ng bawat suntok ng dalawang bayani ng lona kasama ang malaking crowd.

Matatandaan na huling ipinagbunyi ng mga Olongapeño sa pangunguna ni Mayor Gordon ang tagumpay ni Manny Pacquiao laban kay Eric ‘’El Terrible’’ Morales sa huling sagupaan ng dalawa sa Las Vegas, Nevada, USA noong ika-19 ng Nobyembre 2006 (araw sa Pilipinas).

Pao/rem


Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012