Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 18, 2007

Tourism Summit, isasagawa

Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng World Tourism Day 2007, pangungunahan ng Olongapo City Tourism Office ang Tourism Summit sa darating na ika-25 ng Setyembre sa Olongapo City Convention Center.

Sa patnubay ni Mayor Bong Gordon, isasagawa ng Tourism Office ang half-day Tourism Summit na naglalayong mapag-usapan ang ilang puntos kung papaanong mapag-iibayo ang sigla ng turismo sa Olongapo.

Ilang dignitaries ang inimbitahan ng tanggapan para sa naturang summit, kabilang sina Department of Tourism Regional Director Ronnie Tiotuico; Robert Dean Barbers, General Manager ng Philippine Tourism Authority (PTA); Cebu Governor Gwendolyn Garcia at Eloy Pineda, Secretary General ng National Association of Independent Travel Agencies, Phil., Inc.

Inaasahan namang dadalo ang mga kinatawan mula sa mga academic institutions ng lungsod, professional organizations, Non-Government Organizations (NGO), police force at mga barangay officials upang sama-samang magsulong ng turismo ng Olongapo.

Ang Tourism Summit 2007 ay kasunod ng programang Citywide Clean-Up Drive ng Tourism Office sa ika-22 ng Setyembre 2007.

PAO/jpb

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012