Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 18, 2007

Villacorta, Bagong Director ng OCPO

Itinalagang bagong City Director ng Philippine National Police – Olongapo City Police Office (PNP-OCPO) si PSSupt Abelardo Villacorta bilang kapalit ni PSSupt Angelito Pacia.

Sa isinagawang flag raising ceremony ng mga city officials at employees sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court nitong ika-17 ng Setyembre 2007, ipinakilala ni Mayor Bong Gordon si Villacorta bilang bagong hepe ng OCPO at sinundan naman ito ng Turn-over Ceremony na ginanap sa FMA Hall ng Olongapo City Hall.

Dinaluhan din ng punong lungsod ang naturang turn-over ceremony kasama ang iba pang kasapi ng police force ng lungsod. Dito ay ipinahayag ni Mayor Gordon ang kanyang pagbati kay Villacorta bilang bagong kasapi ng OCPO. Aniya, inaasahan ng publiko na mas pag-iibayuhin ng bagong luklok na direktor ang mga programa ng tanggapan upang higit na mapanatili ang peace and order.

Si Villacorta ay dating nakadestino sa Camp Olivas, San Fernando Pampanga na nangangasiwa sa PNP Region3 regional operations. Promoted naman bilang Regional Directoral Staff sa Camp Olivas si Pacia.


NEW OCPO DIRECTOR: Ang bagong talagang City Director ng Philippine National Police – Olongapo City Police Office (PNP-OCPO) na si PSSupt Abelardo Villacorta.

PAO/jpb

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012