Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, October 04, 2007

Bernabe, Bagong GSO Head

Itinalaga ni Mayor Bong Gordon si Engr. Victor S. Bernabe bilang bagong department head ng General Services Office (GSO) ng Olongapo City Government nitong ika-1 ng Oktubre 2007.

Sa isinagawang Flag Raising Ceremony ng mga city officials at employees sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ipinakilala ni Mayor Gordon si Engr. Bernabe sa mga Olongapeño bilang kapalit ni dating GSO Department Head Lito Majarucon.

Ilang panimulang plano ang inilahad ni Bernabe sa panayam sa kanya. Aniya, una niyang tututukan ang internal organization ng kanyang departamento. Naniniwala siyang sa ganitong paraan ay mas mapag-iibayo ang kanilang serbisyo.

Pinaaasikaso na rin niya ang pagsasa - data base at over-all inventory ng mga government supplies nang sa gayon ay mas mapadali ang sistema. Ayon pa sa bagong head ng GSO, isang main warehouse din ang kanyang pinupuntirya kung saan ilalagay ang mga supplies ng pamahalaan.

Kumpyansa naman si Mayor Gordon na malaki ang magiging kontribusyon ni Bernabe sa higit pang pagpapa-igting ng de-kalidad na serbisyo ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo.
Si Engr. Bernabe ay dating nakatalaga sa City Engineer’s Office bilang Engineer II at miyembro ng Technical Working Group of Bids and Awards.


Ipinakilala ni Mayor Bong Gordon ang bagong GSO Officer na si Engr. Victor S. Bernabe (nakasuot ng puting polo) katabi si dating GSO Head Lito Majarucon (nakasuot ng blue shirt) sa Flag Raising Ceremony nitong ika-1 ng Oktubre 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

PAO/jpb

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012