Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 02, 2007

Mayor Bong, Nagdiwang ng ika-60 Kaarawan

Nagdiwang ng ika-60 kaarawan si Mayor Bong Gordon kasama ang mga city officials at employees nitong ika-1 ng Oktubre 2007 matapos ang flag raising ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court.

Sa pangunguna ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) bilang host sa flag raising ceremony nitong Lunes, mainit na binati ng mga kawani ng pamahalaang lokal si Mayor Gordon.

Pagpasok pa lamang ng punong lungsod ay kapansin-pansin na ang pagbati para sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng tarpaulin mula sa Public Employment Service Office (PESO).

Isang PowerPoint presentation naman tampok ang mga magagandang nagawa ni Mayor Bong Gordon ang inihanda ng JLGMH. Sinabayan din niya ang ilang kinatawan nito sa awiting “Let it Be” ng bandang Beatles na kumiliti naman sa mga manonood na walang tigil sa pagpalakpak.

Bumati din ang Olongapo City Police Office (OCPO) sa pangunguna ni PSSupt. Abelardo Villacorta at nagbigay ng regalong wooden chair para sa punong lungsod.


Ilan pang tanggapan ang nagpahayag ng kanilang birthday wishes para kay Mayor Gordon tulad ng City Council, Boy Scout of the Philippines (BSP)-Olongapo, Senior Citizens Association at iba pa. Mababakas naman ang galak sa mukha ng punong lungsod dahil sa mga inihandang sorpresa ng kanyang mga nasasakupan para sa kanyang kaarawan.

Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ay nagkaroon ng extension ng selebrasyon kinagabihan sa Olongapo City Convention Center ang mga city officials and employees kung saan isang simpleng salo-salo at ilan pang presentasyon para kay Mayor Bong ang naganap. Dinaluhan din ito ng ilang malalapit na kaibigan at kapamilya ng mga Gordon.


Si Mayor Bong Gordon sa pagdiriwang ng kanyang ika-60 kaarawan nitong ika-1 ng Oktubre sa Olongapo City Convention Center. Ang simpleng pagtitipon ay dinaluhan ng mga kapamilya, malalapit na kaibigan at mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Lungsod.


PAO/jpb







Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012