Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 02, 2007

Job Fair ng E-telecare, Dinumog

Dinagsa ng maraming Olongapeño ang isinagawang Job Fair ng E-Telecare Global Solutions nitong ika-28 hanggang 29 ng Setyembre 2007 sa Vazbuilt Building ng Gordon College.

Sa patnubay ni Mayor Bong Gordon at pakikipag-ugnayan ng Public Employment and Services Office sa E-Telecare Global Solutions, matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na job fair.

Hindi naging balakid ang maulan na panahon upang sadyain ng maraming aplikante mula Olongapo at Zambales ang naturang job fair. Dinumog ang job fair dahil sa dami ng mga nakalinyang bakanteng posisyon. Ilan sa mga career opportunities na hatid ng E-telecare ay ang mga posisyon bilang Technical Support Representative, Financial Customer Service Associate, Travel Sales Associate, Network Engineer, Market Research Specialist, Human Resource Officer at marami pang iba.

Bukod sa napakaraming oportunidad ay may pagkakataon din ang mga natanggap na aplikante na makapag-avail ng P20,000 relocation package.

Ang E-Telecare Global Solutions ay ang kauna-unahang Philippine-based call center na napahanay sa National Association of Securities Dealers Automated Quotations system (NASDAQ) stock exchange. Una itong naitatag noong 1999 at ilang taon nang nagbibigay ng outsourced center services para sa mga kumpanyang may kinalaman sa consumer electronics, telecommunications, financial services, travel at media. Ito ay nagawaran bilang Best Employer of the Year at Top 5 sa List of Fastest Growing Companies noong 2006.

Matatagpuan ang E-telecare Global Solutions sa 12/F PBCom Tower, Ayala Avenue, Makati at may mga branches sa Libis, Alabang, Shaw Boulevard, Cebu at Davao.

Maaring mag-inquire ang mga nais pang humabol ng aplikasyon sa http://www.etelecarecareers.com/ o magsadya sa kanilang tanggapan sa mga nabanggit na lugar.

PAO/jpb

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012