Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 02, 2007

Bonggo, Pinarangalan ng BSP

Ginawaran ng Boy Scout of the Philippines (BSP) ng Olongapo City si Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ng ‘’Silver Meritorious Award’’ nitong ika-1 ng Oktubre 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court.

Kaugnay ng pagdiriwang ng 60th birthday ni Mayor Gordon, isang plake ang ipinagkaloob sa kanya ng James L. Gordon Council (BSP ng Olongapo) bilang parangal sa sampung taong (10) walang puknat na serbisyo para dito.

Iginawad ni Kgd. Edwin Piano ang naturang parangal na buong galak na tinanggap ng punong lungsod. Kasama ng plake ay ang tropeo na mula naman sa BSP-Olongapo Youth na kumikilala rin sa mahabang panahon na pagsisilbi at pagsuporta ni Mayor Gordon sa samahan.

Ang Silver Meritorious Award mula sa BSP ay ika-5 level ng parangal para sa mga naka-sampung taon nang kabahagi ng samahan. Kasama ng plake ay ang medalyang nauna nang iginawad sa punong lungsod noong Abril ng taong ito.

Matatandaan na Congressman pa lamang si Mayor Gordon ay Board Member na siya ng James L. Gordon Council at mula naupo bilang mayor, siya ay naging Chairman nito.



Si Mayor Bong Gordon tangan ang tropeong ipinagkaloob ng James L. Gordon Council (Boy Scout of the Philippines – Olongapo). Iginawad ng BSP ang Silver Meritorious Award kay Mayor Gordon nitong ika-1 ng Oktubre sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court.

PAO/jpb

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012