Drug Runner, Nasakote ng OCPO
Pinapurihan ni Mayor Bong Gordon ang Olongapo City Police Office (OCPO) sa pagkakaaresto nito sa isang hinihinalang drug runner noong ika-29 ng Setyembre 2007.
Partikular na binigyang komendasyon ni Mayor Gordon si Col. Abelardo Villacorta, City Director ng OCPO, sa pangunguna nito upang masakote ang suspek na kinilalang si Rodolfo Manalang, 42 taong gulang at residente ng Rizal Avenue, East Bajac-Bajac.
Ayon sa impormasyon na natanggap ng pulisya, isang kulay abong Toyota Vios na may plate number XPS-360 ang dala ni Manalang sakay ang mga hinihinalang ilegal na droga na plano nitong itakas patungong Subic, Zambales.
Agad namang nagtalaga ng checkpoint ang kapulisan sa Brgy. Barretto. Dito ay namataan nga ang sasakyan ng suspek subalit rumatsada ito ng mabilis, hindi alintana ang checkpoint.
Hinabol ng Olongapo Police ang sasakyan ng suspek at sa huli ay na-corner nila ito. Na-recover ng pulisya ang anim na sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng sampung libong piso (P10,000).
Sa ngayon ay humaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 Article 2 o Dangerous Drug Act of 2002.
PAO/jpb

Labels: drug runner, ika-29 ng Setyembre, inaaresto, OCPO
1 Comments:
Come on guys, Ilang runners at pusher na ba ang nahuli niyo at pinakawalan? Parang naglalaro na lang kayo ng habulan na may bayad. Pag alam na ng mga pulis na marami ng ipon ang pusher saka huhulihin. Tapos Pakakawalan uli at huhulihin uli pag "mataba" na naman. Hay naku, dami na niyo nilloloko. Wag na lang kayo magbalita ng ganito. Pati si Meyor eh nauuto niyo. Mayor, pakialamanan naman niyo ang trabaho ng Chief of Police niyo at ang dami ng kabataan ang lulong sa shabu diyan sa atin lalo na sa WBB. Walang pakiramdam yata ang barangay captain diyan eh. O di kaya naman eh kumikita din sila sa "sales tax" ng mga pusher? hmmm!
By Anonymous, at 10/11/2007 11:28 AM
Post a Comment
<< Home