OTMPS, Pinapurihan ni Mayor Bong
Binigyang komendasyon ni Mayor Bong Gordon ang tatlong(3) kawani ng Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS) na naging instrumento upang maaresto ang isang “shoplifter” sa Olongapo City Public Market.
Sa nakaraang flag raising ceremony ng mga city officials and employees sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ay kinilala at pinapurihan ni Mayor Gordon sina Modesto Arce, Michael Soriano at Marcelo Pitao ng OTMPS sa naging partisipasyon ng mga ito upang mahuli ang suspek sa shoplifting incident.
Nahuli ng tatlong kawani ng OTMPS ang naturang shoplifter nitong ika-28 ng Oktubre 2007 matapos itakbo ang isang pantalon na nakasabit sa isang stall sa palengke. Dinala nina Arce, Soriano at Pitao ang lalaking nahuli sa Station 1 ng Olongapo City Police.
Nagbigay naman ng babala si Mayor Gordon sa mga nagbabalak guluhin ang katahimikan at kapayapaan ng lungsod. Aniya, hindi niya hahayaang masira ang “peace and order” sa lungsod. Sinabi pa ni Mayor Gordon na marapat na makiisa ang lahat sa pagsunod sa mga alintuntunin ng lokal na pamahalaan sapagkat ito ay para rin sa kapakanan ng lahat ng mamamayan ng Olongapo.
PAO/jpb

Labels: Binigyang komendasyon, Mayor Bong Gordon, OTMPS, shoplifter
0 Comments:
Post a Comment
<< Home