Tiyangge mentality
Ang ginawang pang-iisnab ng pamunuan sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Restraining Order na inisyu ni Judge Josefina Farrales ng Olongapo Regional Trial Court na pansamantalang ngapapatigil sa operasyon ng night market sa Freeport ay tahasang pambabatos ng Korte.
Bakit, hindi ba sila saklaaw ng batas? No one is Above the Law at angdesisyon ng isang sangay ng judiciary ng atin bansa ay sinisunod at nirerespeto, kahit Pangulo ka pa ng Pilipinas. Papakinggan naman ng Korte ang panig ng SBMA gayundin ang panig ng mga vendors at may puwesto sa mga pampublikong pamilihan na titol sa night market hangga’t hindi nadidinig ang magkabilang panig at kung may legal na karapatan nga ba ang Freeport Service Corp. (FSC) na pinamumunuan ni retired general Jose Calimlim para magpatakbo ng tiyangge sa Subic Bay at pagkakitaan ito.
Palaging kinakatwiran ni Calimlim na nalulugi ang FSC at ang kinikita mula sa renta ng mga stalls sa night market ay pampasuweldo sa mga emleyado nitong taga-Olongapo.
Ang tanong ay bakit nalulugi ang FSC? Kung tutuusin ay maraming mga volunteers na taga –Olongapo ang tinanggal ni Calimlim ay 9 na taon nang naglalagay ng night market sa SBMA balit daw ngayon lang pumapalag ang mga vendors at mga nagtitinda sa palengke.
Matagal ng umaalma ang mga vendors dahil tuwing kapaskuhan ay inaagawan sila ng kita ng mga may puwesto sa might market. Pinakingan ba ni dating Chairman Felicito Payumo at nguyon ay ni Chairman Feliciano Salonga? Siyam na taon ng gana-gana ang FSC sa kita ng night market eh bakit nalulugi pa rin ito? Hindi tiyangge ang solusyon kung anuman problema ng FSC. Ang solusyon ay palitan ang nagpapalakad dito at busisiin kung saan napupunta ang pondo at baka binubulsa lang ito ng kung sino.
Sabagay, kung ang korte nga ay binastos ng mga nanungkulan ngayon sa SBMA, mga ordinaryong tindero’t tindera pa kaya? Nguni’t isalaksak sana nila sa utak nila na malaking papel ang ginagampanan ng mga taga-Olongapo kaya naitatag ang SBMA at nagging Freeport ang dating base nabal ng mga Amerikano. Kung wala ang mga taga-Gapo, wala sana sila sa puwestong pinagpapsasaa nila ngayon.

Labels: FSC, night market, sbma
0 Comments:
Post a Comment
<< Home