VENDORS TO CALIMLIM:‘SMUGGLING ANG PROBLEMAHIN MO AT HINDI TIYANGGE’
May payo ang mga vendors at mga taga-palengke kay retired general Jose Calimlim na tambak ang trabaho sa SBMA bilang Board Director, Law Enforce ment Head, Port Operations Head, Presidente ng Freeport Service Corp. at pinuno ng Subic Anti – Smuggling Task Force.
Tutukan na lang daw nito ang problema ng smuggling sa Subic at huwag na siyang mag-abala pa sa paglalagay ng tiyangge at talipapa sa Freeport.
Sa isang kalatas ng Olongapo Vendors Association, sinabi ng mga ito na smuggling ng langis at mga imported na sasakyan ang pangunahing dapat solusyunan sa Freeport at ito ang dapat bantayan at aksyunan ni Calimlim.
Patuloy pa rin kasi ang smuggling sa Subic at ito’y nagaganap sa mismong tungki ng ilong ni Calimlim.KAmakailan lamang ay nasaba ng Olongapo police ang isang kotseng Porsche na nagkakahalaga ng P5- milyon sa checkpoint sa palabas sa Olongapo.
Ayon sa pulisya, ang sasakyan ay nakapangalan sa isang investor sa Subic at malayang naipuslit sa Freeport dahil sa pinekeng mga papeles.
Lumalabas na mga pulis Olongao pa ang gumagawa ng trabaho ni Calimlim sa panghuhuli ng smugglers habang siya raw ay abala sa role niya bilang General Tiyangge.
“Malaking halaga ang nawawala sa kaban yaman ng Pilipinas dahil sa hindi masawatang smuggling. At malaking tulong sa ekonimiya ng bansa kung masusgpo ito kesa sa night market na perwisyo na nga sa aming mga vendors na taga-Olongao ay hindi naman maisusulong ang pambansang ekonomiya.”

Labels: calimlim, Olongapo Vendors Association, smuggling
0 Comments:
Post a Comment
<< Home