CITY FIESTA RAFFLE DRAW, INAABANGAN NA!
Patuloy na magiging mainit ang selebrasyon ng 2007 Olongapo City Fiesta lalo na sa kaabang-abang na draw ng City Fiesta raffle tickets sa ika-5 ng Enero 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.
Sa pangunguna ni 2007 City Fiesta Executive Committee Chair Gie Baloy, tatlong (3) mapapalad na mga opisyales at kawani ng gobyernong may hawak na City Government raffle tickets ang magwawagi.
Ang 1st Prize ay makakatanggap ng dalawamput-limang libong piso (P25,000.00), 2nd Prize ay sampung-libong piso (P10,000.00) at ang 3rd Prize ay limang-libong piso (P5,000.00).
Tatlong (3) major prizes rin ang ipamimigay ng committee sa mga may tangang raffle tickets na nabili buhat sa mga barangay officials o kandidata ng bawat barangay.
Para sa 1st Prize, ang mapalad na pangalang tatawagin ay mag-uuwi ng motorcycle/scooter, 2nd Prize ay makakatanggap ng entertainment showcase samantalang ang 3rd Prize ay makatatanggap naman ng Kitchen Showcase.
Mag-uuwi rin ang dalawampung (20) mapapalad na ticket holders ng tig-isang bitbit ng bag of goodies upang mas marami pa ang may pagkakataong makapag-uwi ng regalo. Ito ay bilang pasasalamat sa suportang patuloy na natatanggap ng committee buhat sa mga residente ng lungsod.
Ang City Fiesta raffle ticket draw ay isa sa mga paraan upang higit na makalikom ng pondong laan sa Indigent Philhealth Members at Olongapo City Scholars ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.
Para sa mga nais pang sumali sa gaganaping pa-raffle ng City Fiesta ay maaaring makabili ng tickets sa kanilang Barangay Hall o kaya’y sa kandidata ng kanilang barangay.
Pao/rem

Labels: CITY FIESTA RAFFLE DRAW, january 5
0 Comments:
Post a Comment
<< Home