Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, December 01, 2007

FSC Prez Calimlim yumao na

NAMATAY na si Lt. Gen. Jose Calimlim (ret), Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) deputy administrator for port services at Task Force Subic chief ni Pangulong Gloria Arroyo, dahil sa matagal nang karamdaman sa Cardinal Santos Memorial hospital sa San Juan City.

Naulila nito ang asawa na si Christina at anak na si Mayor Ferdie Calimlim, ng Mapandan Pangasinan at tatlong iba pang anak.

Nakatakdang dalhin ang kanyang mga labi sa Korean Christian church sa Subic sa Lunes na tatagal hanggang Miyerkules . Siya ay ihahatid sa huling hantungan sa kanyang bayan sa Mapandan.

Bago yumao si Calimlim, nagtungo ito sa Amerika noong Enero para sa medical check-up sa sakit sa tiyan. Matapos ang apat na buwan sa Amerika ay nanilbihan itong SBMA deputy administrator for port services at chief ng PGMA Task Force Subic.

Si Calimlim ay namatay dakong alas-9 ng umaga sa Cardinal Santos Medical Center.

Sa kaniyang paninilbihan, ay nabawi nito ang milyong halaga ng imported luxury cars dahil sa puspusang kampanya nito laban sa ‘anti-smuggling campaign” -- Journal Online

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012