Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, November 29, 2007

Barangay, SK Officials, Nanumpa

Ginanap ang Mass Oath Taking ng mga bagong halal na barangay at SK officials ng Olongapo City nitong ika-28 ng Nobyembre 2007 sa Olongapo City Convention Center (OCCC).

Sa harap ni Mayor Bong Gordon ay binigkas ng mga bagong halal na opisyal ang panunumpa sa kanilang tungkulin. Saksi sa kanilang pagsumpa ang mga city councilors at city officials kasama pa ang kani-kanilang mga kamag-anak, kaibigan at mga kabarangay.

Dinaluhan din ni Vice Mayor Cynthia Cajudo ang naturang event. Sa kanyang mensahe para sa mga newly elected barangay at SK officials, sinabi niyang aalalay ang city government sa kanilang mga makatuturang proyekto upang ganap na mapaglingkuran ang mamamayang Olongapeño.

Isang hamon naman ang binitawan ni Mayor Gordon para sa mga barangay officials. Aniya, marapat na maging modelo ang mga ito ng matapat at taos pusong serbisyo-publiko para sa kanilang mga ka-barangay.

“We are public servants and we must fight for excellence!’’, saad ng punong lungsod.

Nangako naman ang mga barangay at SK officials na magiging katuwang sila ng city government sa paglilingkod sa Olongapo.

Magugunitang una nang nagharap ang mga bagong halal na opisyal at ang mga city officials noong ika-7 ng Nobyembre sa FMA Hall ng Olongapo City Hall kung saan ipinahayag nila ang pangakong sila ay magiging kasangga ng city government sa pagtupad ng mga adhikain nito para sa mga Olongapeño.

Ang mga halal na opisyal ng barangay ay pormal na manunungkulan sa ika-1 ng Disyembre 2007.

PAO/jpb


Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012