Operatiba vs ‘smuggling’ dapat pamarisan
Ginagamit na pala ng mga Iranian businessmen sa kanilang negosyo ang mga makinarya at ‘diesel generator’ at pinagkikitaan ng malaking halaga kung kaya’t kumilos na ang tauhan ng Bureau sa pamamagitan ng Port Collector ng Subic Bay Freeport upang ipakumpiska at samsamin ang mga nasabing ‘equipo’.
NAGPAKITANG gilas na naman ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement and Security Service(ESS) operatives nang sila ay makakumpiska ng mahigit P1 bilyong halaga ng mga makinarya at ‘generator’ na ipinasok sa bansa ng mga negosyanteng Iranian at ininstala sa isang complex sa Lamao, Bataan.
Humingi po ng saklolo si Capt. Mariano Biteng, ang ESS District Commander sa Port of Subic, sa kanilang punong tanggapan sa Port of Manila (POM) upang tulungan sila na makumpiska mula sa mga Iranian businessmen ang mga makinarya at ‘diesel generators’ na ipinuslit sa bansa bilang mga ‘demo equipment’.
Naipasok po sa bansa ang mga nasabing bilyong halaga ng mga makinarya at ‘generator’ na may kapasidad na pailawin ang buong probinsiya at makapag-proseso ng mga produktong ‘plastic’ at ‘styropor’ mula sa ‘resins’ matapos makipag-ugnayan ang mga negosyanteng Iranian sa mga ‘customs officials’ sa Maynila.
May mga kasama pang taga Embahada ng Iran umano ang mga negosyante nang magtungo sa tanggapan ng BoC at kausapin ang ilang opisyal doon kasama na sina Customs Commissioenr Napoleon Morales at Deputy Commissioenr Celso Templo.
Ipinaliwanag kuno ng mga negosyanteng Iranian na ang mga makinarya at ‘generator’ na ipapasok nila ay gagamitin lang bilang mga ‘demo equipment’ at ibabalik din sa ‘point of origin’ matapos ang ‘demonstration’.
Matapos ang umano’y ‘demonstration’ ay hindi na inilabas sa complex ng NPC Alliance Corp.(NPAC) sa Lamao, Bataan, ang mga makinarya at ‘diesel generator’ nina complex director David Khosrobad at managng director ng NPAC na si Javal Ahmadi.

Wala pong binayaran kahit isang kusing na tax at duty ang mga Iranian businessmen gayung sila ay kumikita ng mil-yong-milyong halaga ng salapi mula sa mga ‘equipo’na ipinuslit nila sa bansa.
Tinatayang mahigit sa P200 milyon ang halaga ng buwis at duty ang dapat sanang nasingil sa mga dayuhan kung di nila nalinlang noon ang Bureau nang unang dumating dito ang mga makinarya at ‘generators’.
Mabuti na lang at matatalino at masisipag ang mga tauhan ng ESS sa pangunguna nga nina Capt. Biteng at Major Isabelo Tibayan, at agad na nagtungo sa lugar upang kumpiskahin ang mga ‘equipo’.
Nangailangan pa ng tatlong oras na negosasyon bago tuluyang nakumpsika ng mga tauhan ni Major Tibayan at Capt. Biteng ang mga makinarya at ‘diesel generator’ mula sa mga Iranuian businessmen at nailulan nila sa 24 na container vans at nadala ang mga iyon sa customs ng Port of Subic.
*****
Hindi naman pahuhuli ang mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa ilalim ni Undersecretary Antonio Bebot Villar at ang katuwang nitong si Gen. Danilo Mangila sa pagtugis sa mga “smugglers’.
Kamakailan ay nagsagawa ng ‘simultaneous raid’ ang PASG sa mga bodega ng mga electronic sa Greenhills at sa Virra Mall sa syudad ng San Juan na kung saan sila ay nakakumpiska ng may P30 milyong halaga ng mga ‘cell phones’ at ‘electronic products’.
Sinundan uli ito ng isa pang ‘raid’ sa syudad naman ng Makati na kung saan sila ay nakakumpiska naman ng 81 high-end imported luxury vehicles mula sa Auto Sports 24 Corp. sa Pasong Tamo..
Tinatayang aabot sa halagang P200 milyon ang halaga ng mga nasabat na mga imported na sasakyan na kinabibilangan ng Lamborghini, BMWs, Mercedez Benz at marami pang iba samantalang P30 milyon naman ang tinatayang nakumpiska sa bodega ni Chester Tan, na nasa Jafer’s Place building sa Eisenhower St. at sa MR Dynamic Telephone sa 3rd floor ng Virra Mall, Greenhills Shopping Complex.
Si Tan ay dapat papanagutin sa mga nakumpiska sa kanyang mga electronics gadgets, samatanlang dapat magkaroon ng malawakang imbestigasyon sa mga nakumpiskang 81 luxury vehicles.
Ang karamihan ng mamahaling imported na sasakyan ay galing umano sa Port of Cebu kaya dapat ay imbistigahan dito si Collector Boysie Belmonte at gayun din ang kanyang mga tauhan at nang mga tauahn naman ng Land Transportation Office (LTO) sa Cebu na nagrehistro umano ng nasabing mga sasakyan.
Bukod sa Port of Cebu ay halunkatin nyo na rin ang Subic Port, ang Port Irene sa Cagayan at Port of Davao dahil dito umano nanggagaling ang karamihan sa mga mamahaling luxury vehicles na ipinupuslit sa ating bansa.
Samantala isa sa mga kotseng inabutan ng mga ‘raiding team’ ng PASG sa Makati City ay ang Range Rover na pag-aari ni Mayor J.V.Ejercito. Naipakita ng alkalde ang kanyang mga dokumento na nagpapatunay na lehitimo at hindi ‘smuggle’ ang kanyang sasakyan.
******
Ang mga tauhan naman ni Deputy Commissioner Reynaldo Umali ay walang sawa sa pagsala sa mga importer at broker na nag-aaply sa kanila ng ‘accreditation’ kaya patuloy na bumababa ang bilang ng mga ‘unscrupulous’ at pekeng mga importer at broker na karamihan ay mga ‘smugglers’.
At kung ang ibang mga departamento at unit ng Bureau ay makikiisa lang sa mga ginagawa ngayon ng tanggapan ni DepCom Umali malamang sa susunod na taon ay makakabangon na ang Bureau at mapapataas na nito ang koleksyon, di tulad ng nangayari ngayon na lagapak na naman ang koleksyon.
Kaya para sa lahat ng mga may mabuting ginagwa sa Bureau upang manumbalik ang sigla ng koleksyon sa Aduana, MABUHAY KAYONG LAHAT AT MALIGAYANG PASKO !!! at sa mga tiwaling tauhan ng Bureau na patuloy sa paggawa ng masama. By: Jess V. Antiporda - Journal Online

0 Comments:
Post a Comment
<< Home