Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 03, 2008

2007 City Fiesta Grand Parade, matagumpay!

Matagumpay na naipagdiwang ng Lungsod ng Olongapo ang traditional City Fiesta Grand Parade nitong ika-30 ng Disyembre 2007.

Hindi naging hadlang ang maulan na panahon sa kasiyahan ng pagdiriwang ng kapistahan ng lungsod. Makulay at mahabang parada ang nagmarcha mula sa Ramon Magsaysay (RM) Drive patungong Rizal Triangle na kinatampukan ng iba’t ibang personalidad.

Pinangunahan ni Mayor Bong Gordon at Vice Governor Anne Gordon ang naturang parada kasama ang mga city councilors, mga opisyal at empleyado ng city government. Ilang marching bands din ang inimbitahan upang lalong sumigla ang parada.

Tinilian naman ng mga manonood ang mga artista mula sa Pinoy Big Brother na kasama ring nakiparada at nakisaya sa kapistahan ng lungsod. Tahasan namang ipinakita ng mga Olongapeño ang kagalakan sa pakikilahok ng kanilang dating mayor na ngayon ay senador Richard Gordon.

Hindi rin nagpahuli ang City Fiesta Queen na si Michelle Grace Antonio ng Brgy. West Tapinac at ang kanyang royal court na agaw-eksena sa magarbo nilang mga kasuotan. Kanya-kanya pang gimik sa agaw-pansin na costume ang mga socio-civic organizations sa lungsod, business groups, Non Government Organizations, mga barangay officials at ilang locators at investors mula sa Subic Bay Freeport Zone.

Nagsilbing ‘marshalls’ sa naturang parada sina PSSupt. Abelardo Villacorta ng Olongapo City Police Office (OCPO), Angie Layug ng Disaster Management Office (DMO), Col. Jose Aquino ng Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS) at Engr. Louie Lopez ng Public Utilities Department (PUD) na tumulong upang mapanatili ang kaayusan ng pagdiriwang.

Ang taunang city fiesta grand parade ay tradisyon na ng Olongapo City tuwing sasapit ang kapistahan ng lungsod na nagbibigay kasiyahan sa bawat Olongapeño gayundin sa mga turistang nakakasaksi nito.


PAO/jpb

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012