Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 31, 2008

BIR sa Bagong Tanggapan

Pinasinayaan at binasbasan na ang bagong tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong ika-29 ng Enero 2008 sa 2nd Floor ng James L. Gordon Market & Mall (Pag-asa Market), Olongapo City.

Sa inisyatibo ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr., nakalipat na sa bago at mas malaking gusali ang Kagawaran ng Rentas Internas o BIR. Mananatili dito ang BIR kasama ang Land and Transportation Office (LTO).

Saksi ang mga kawani ng BIR, sa pamumuno ni Revenue District Officer Edgar Tolentino, pinangunahan ni Mayor Gordon ang pagpapasinaya at blessing ceremony ng naturang lugar. Kasama ng punong lungsod sina Bong Pineda, Pochollo Gallan at Ruben de Guzman ng Olongapo Business Club (OBC) at Norie Gomez ng Olongapo City Mall.

Layunin ni Mayor Gordon na higit na maging maayos ang koleksyon ng buwis sa Olongapo kung kaya’t sinikap niyang mapagkalooban ang BIR ng lugar kung saan ay mas maayos na magagampanan ng tanggapan ang mga tungkulin nito.

Pinasalamatan naman ng BIR ang Lungsod ng Olongapo sa paglalaan nito ng espasyo para sa kanilang tanggapan na dati ay matatagpuan sa may Rizal Avenue malapit sa Ramon Magsaysay Drive (RM Drive).


Si Mayor James “Bong” Gordon, Jr. kasama ang mga opisyales ng Bureau of Internal Revenue sa pagpapasinaya sa bagong tanggapan ng BIR sa 2nd Floor ng James L. Gordon Market and Mall nitong ika-29 ng Enero 2008.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012