Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, February 12, 2008

DALAWANG HOLD-UPPERS, TIKLO!

Prinisinta kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ni PNP City Director Abelardo Villacorta ang dalawang (2) natiklong suspects sa diumano’y responsible sa ilang holdapang naganap sa kahabaan ng National Hi-way, Brgy. Kalaklan.

Iniharap ni PSr/Supt. Villacorta nitong ika-11 ng Pebrero 2008 kay Mayor Bong Gordon ang mga suspects matapos masakote sa lugar nang pinagsanib-pwersa ng Olongapo City Police Office (OCPO)-Station 1 at ‘’Task Force Kubli’’ nitong ika-10 ng Pebrero 2008.

Ang mga suspects na sina Emmanuel Mapili, 31 years old, residente ng Nagbaculao, Upper Kalaklan at Rolando Tabayoyo , 39 years old, residente ng 217 Lower Kalaklan ay nadakip matapos dumulog nitong ika-10 ng Pebrero 2008 sa Police Station-1 ang huling limang (5) biktima na sina Rusty Baluyot, Abegail Peñafile, Mercy Belanso, Jamuel Tan at Grace Mansanto.

Ayon sa salaysay ng mga nag-reklamong biktimang lulan ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Elinovio Ladringan, 52 years old, ng Lot 11 Blk 6, Subic Hills, Subic, Zambales, habang patungo sa Zambales ay hinarang diumano nina Mapili at Tabayoyo ang sasakyan gamit ang hand gun at bolo sabay sigaw ng ‘’Amin na ang mga bag, cellphone at wallet ninyo!.’’

Nakuha sa mga biktima ang pitong (7) cellphone units, dalawang (2) digital cameras, bag na naglalaman ng mga personal na gamit, limanglibong peso at mahahalagang dokumento.

Matapos matanggap ang sumbong ng mga biktima ay agarang nagsagawa ng tuloy-tuloy na operasyon ang kapulisan kung saan nakumpiska sa mga positibong itinurong suspects ang Caliber .45 at labing-walong pulgadang (18’’) bolo.

Sa ngayon ay nakaditine ang mga kinilalang hold-uppers sa Police Station-1 matapos isampa ang kasong Robbery with Intimidation and Violation of Batas Pambansa Bilang 6 sa City Prosecutor’s Office.


Prinisinta ni PNP City Director Abelardo Villacorta kay Mayor Bong Gordon ang dalawang (2) nasakoteng suspects na sina Rolando Tabayoyo (naka-suot ng itim na t-shirt) at Emmanuel Mapili (naka-suot ng puting sando) sa holdapang naganap nitong ika-10 ng Pebrero 2008 sa National Highway, Brgy. Kalaklan.






Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012