Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, February 14, 2008

Enhancement Training Para sa mga Brgy Tanod, Isinasagawa

Patuloy na pinaiigting ng Olongapo City Government ang pagsiguro sa peace and order ng lungsod sa pamamagitan ng Barangay Tanod Enhancement Seminar na isinasagawa sa bawat barangay.

Sa pangunguna ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr., sinimulan ang Brgy. Tanod Enhancement Training sa Brgy. Kalaklan nitong ika-4 hanggang 7 ng Pebrero 2008 sa Kalaklan Brgy. Hall. Sinundan pa ito ng parehong training na isinagawa sa Brgy. Sta. Rita Covered Court nitong ika-11 hanggang 14 ng Pebrero 2008 na dinaluhan ng mga barangay tanod ng Brgy. Sta. Rita, Mabayuan at Gordon Heights.

Kasama si Mayor Gordon, ang naturang training sa Brgy Sta. Rita ay dinaluhan din nina PNP City Director Abelardo Villacorta, Department of Interior and Local Government (DILG) Head Eliseo de Guzman, City Councilors Rodel Cerezo at Gina Perez.

Pangunahing layunin ng pagsasagawa ng Brgy. Tanod Enhancement Training sa iba’t ibang barangay sa Olongapo na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga Brgy. Tanod hinggil sa pagpapanatili sa katahimikan at kapayapaan ng lungsod. Sa ganitong paraan ay magiging kaakibat ng kapulisan ng lungsod ang mga Barangay Tanod sa pagsiguro sa kaligtasan at seguridad ng mamamayang Olongapeño.

Kabilang sa Program of Instruction ng Brgy. Tanod Enhancement Training ay ang pagbibigay ng mga kaalaman patungkol sa Law of Arrest and Seizure, Gender and Development, Police Security Containment, Integrated Patrol System, Human Rights, Traffic Rules and Regulations, Drug Abuse Control, Police Operational Procedures, Arnis/Hand Cuffing Techniques, Crime Scene Preservation, Brgy. Peace Keeping Operations at Crisis Management.

Samantala, sa ika-19 hanggang 21 ng Pebrero 2008 ay isasagawa rin ang naturang training para naman sa mga Barangay Tanod ng Brgy. West Bajac-Bajac at East Bajac-Bajac. Sa mga susunod na araw ay magpapatuloy pa ang pagbibigay ng Brgy. Tanod Enhancement Training sa iba pang mga barangay sa Olongapo.

Si Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa Barangay Tanod Enhancement Training ng mga Barangay Tanod ng Brgy. Sta Rita, Mabayuan at Gordon Heights nitong ika-11 ng Pebrero 2008.












Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012