HEART’S DAY SA GAPO
Napuno ng pagmamahal ang buong Lungsod ng Olongapo sa pangunguna ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa selebrasyon ng Valentine’s Day nitong ika-14 ng Pebrero.
Sa inisyatibo ni Mayor Bong Gordon ay naging makulay ang lungsod dahil sa mga palamuting puso na ikinalat sa mga liwasan at maging sa harapan ng mga tanggapang pampamahalaan tulad ng City Hall.
Itinampok pa sa Gawang Gapo booth na matatagpuan sa lobby ng City Hall ang iba’t-ibang flower arrangements na swak na swak sa diwa ng okasyon. Ito ay hindi lamang upang ilapit sa mga Olongapeño ang dekalidad at murang bilihan ng mga bulaklak at iba pang valentine-related items kundi upang mabigyang suporta at tulong na rin ang proprietor ng naturang negosyo na mai-promote ang kanyang mga produkto.
“Valentine’s Day is not only about flowers and chocolates. It’s not only for lovers. It’s all about loving each and everyone not only on Valentine’s Day but everyday,” pahayag ni Mayor Gordon.
Samantala, pinangunahan ni Mayor Gordon ang isang Mass Wedding sa Olongapo City Convention Center (OCCC) na dinaluhan ng maraming mga magsing-irog. Layon ni Mayor Gordon na matulungan ang mga Olongapeño na nagnanais makapagpakasal sa kabila ng kanilang mga budgetary constraints.
Animnapu’t siyam (69) na magkasintahan ang nabigyang pagkakataon na makapag-avail ng naturang free wedding ceremony edad pitumpu’t apat (74) na si Diosdado Sumala ang pinakamatanda na ikinasal sa edad na (56) na si Leonora Silva samantalang edad labinsiyam (19) na si Angela Medina naman ang pinakabata na ikinasal sa edad dalawampu’t dalawa (22) na si Wilson Madi.

Sina Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at Olongapo First Lady at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon kasama sina Diosdado Sumala, 74, at Leonora Silva, 56, (gitna) ang pinakamatandang couple na nakapag-avail ng libreng Mass Wedding na handog ni Mayor Bong Gordon at pinakinabangan ng kulang 100 couples.
Labels: hearts day, mass wedding
0 Comments:
Post a Comment
<< Home