Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, March 11, 2008

JLGMH ANNEX, TAPOS NA

Sandaang porsiyento (100%) nang kumpleto ang konstruksyon ng Medical Arts Building ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH).

“I am glad that the construction of the extension building of our hospital has been completed and will soon be ready to serve more residents of Olongapo and nearby provinces,” pahayag ni Mayor Gordon na kasama si First Lady Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon ay pangunahing nagsulong ng proyekto.

May tatlong palapag ang naturang gusali na may pharmacy, canteen at mga klinika sa ground floor, labing anim (16) na private rooms naman ang nasa second floor kasama pa ang isang semi-private room with eight (8) beds samantalang gagawin namang amphitheatre ang third floor.

Planong pormal na buksan ang naturang gusali sa huling linggo ng Marso o sa darating na buwan ng Abril sa gayon ay mapaglingkuran na ang higit pang dumaraming taong nagtitiwala sa kakayahan ng JLGMH.

Ang konstruksyon ng extension building ng JLGMH ay patunay ng puspusang pagsisikap ng pamahalaang lokal sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Gordon na higit pang maiangat ang kalidad ng kalingang medikal na ibinibigay ng ospital. Nilalayon ng patuloy na mga improvements sa JLGMH na lalo pang mapaigting ang serbisyong hatid nito hindi lamang para sa mga Olongapeño kundi pati na rin sa mga karatig lalawigan nito at iba pang mga bisita.

Ang JLGMH ay kilala bilang isang tertiary hospital sa Gitnang Luzon na mayroong high-tech medical facilities at staff at patuloy na nagbibigay ng mataas na kalingang medikal.

PAO/jpb

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012