Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 06, 2008

Pagbibitiw ng anti-smuggling czar tatanggihan ni Arroyo

Hindi tatanggapin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang planong pagbibitiw sa pwesto ni Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) Undersecretary Antonio Villar Jr.

Sinabi nitong Huwebes ni deputy presidential spokeswoman Lorelei Fajardo na taglay pa rin ni Villar ang buong tiwala ng Pangulo sa kabila ng iringan nito sa ilang mambabatas.

"Her (President Arroyo's) desire is for him to stay. Undersecretary Villar enjoys the confidence of the President because he is doing a good job," ayon kay Fajardo.

"His unwavering fight against smuggling has tremendously impacted on unlawful practices of some of our traders," idinagdag niya.

Una rito, inihayag ni Villar ang intensyon na magbitiw matapos siyang kastiguhin ng ilang kongresista matapos hindi dumalo sa pagdinig ng isang komite na nagsisiyasat sa problema ng smuggling sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa House of Representatives nitong Miyerkules, iginiit ni Zambales Rep. Ma. Milagros Magsaysay na hindi dapat palampasin ng kapulungan ang pagiging arogante umano ni Villar sa hindi pagdalo sa mga pagdinig ng ilang ulit.

Paniwala naman ni Villar, pinag-iinitan siya nina Magsaysay at Albay Rep. Al Francis Bichara dahil tinatamaan ang mga ito sa kampanya ng PASG laban sa mga smuggling.

Ilang mamahaling sasakyan ni Bichara ang inipit ng PASG dahil sa hinala na hindi ito binayaran ng tamang buwis na itinanggi naman ng kongresista.

Samantala, hinihinala ni Villar na nagalit sa kanya si Magsaysay dahil sa ginagawang pag-inspeksyon ng kanyang ahensya sa mga warehouse sa Subic na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga ipinuslit na produkto.

"We are currently doing an inventory on 15 warehouses in Subic and we heard that this angered Rep. Magsaysay. Maybe the owners are her friends or she is connected with them," ayon sa opisyal.

"I don't want to add to the President's problems. She has enough. I think it will be best if I resigned and kept silent so that they can do what they want," idinagdag niya.

Hinamon naman ni Magsaysay si Villar na kasuhan siya kung may katibayan ito sa mga alegasyon laban sa kanya.

“Hirap sa kanya puro siya daldal," pahayag ng kongresista - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Labels: , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012