Kahirapan Dahil sa Pagmimina, Nakaamba sa Zambales.
Balita- Jun Fabon
Libu-libong residente sa lalawigan ng Zambales ang posibleng dumanas ng kahirapan at pagkagutom bunson ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan sa lugar, bunga ng walng humpay na pagmimina.
Libu-libong residente sa lalawigan ng Zambales ang posibleng dumanas ng kahirapan at pagkagutom bunson ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan sa lugar, bunga ng walng humpay na pagmimina.
Ayon kay Danilo Merced, Barangay Chairman sa Lomboy Zambales, nasisira na ang kagubatan sa kanilang lugar at nawawalan na sila ng mga lupang mapagtataniman dulot ng unti-unting pagkawasak ng likas na yaman, at apektado rin ang mga yamang tubig s lugar dahil sa operasyon ng Benguet Corporation.
Aniya, dapat ng pakialaman g Department of Environment and Natural Resources ( DENR ) and problema dahil exploration permit ang hawak ng naturang kompanya. Sa kabila ng malawakang pagmimina sa lugar.
Ang naturang problema ay naparating na ng residente ng lugar, partikular niyong mga taga Sta. Cruz Zambales, kung saan naroon ang minahan.
Bilang tugon, nanawagan naman si Sta. Cruz mayor Luisito Marty kay DENR Secretary Lito Ateinza na aksyunan ang naturang problema.
Kauganay nito, nakatakdang paimbestigahan ng DENR ang Benguet Corporation na ilang taon ng nag-operate sa lugar na idineklarang tourism area ng pamahalaan.
Ang Sta. Cruz ay isa mga bayan sa Zambales na mayaman sa deposito ng nickel at iba pang mineral.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home