Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, June 19, 2008

IKA-147 NA KAARAWAN NI DR. JOSE RIZAL, IPINAGDIWANG

Ginunita ang ika-147 na kaarawan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Rizal Triangle nitong Huwebes, June 19, 2008. Naroon si Vice Mayor Cynthia Cajudo, na humalili kay First Lady at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon bilang keynote speaker at City Councilor Aquilino “Jhong” Cortez.

Kasama sa humusga at nag-award sa mga nanalo sina Vice Mayor Cajudo at Councilor Cortez.

Nagkaroon din ng isang Slogan making contest kung saan nanalo si Noel M. Antido Jr. ng BSN W-I ng Celtech College. Ang kanyang slogan ay tinalakay ang temang: “Ang ating pambansang bayani, ano na?”. Mahigit sa 200 slogans ang isinali mula sa iba’t –ibang mga estudyante ng mga eskwela sa Olongapo City.

May 50 namang mga entries ang lumahok para sa poster making contest ngunit hindi pa inihahayag ang mga nanalo sa paligsahan.

Dumalo sa pag-gunita ang Assistant Superintendent ng DepEd na si Naomi Arzadon at mga principals at guro ng mga eskwela sa Olongapo City. Kabilang sa mga dumalong mga eskwela ang Gordon College, Celtech College, OCES, OCNHS at Kalalake National High Scool.

Nagbigay rin ng cash offerings para sa City Scholarship ni Mayor james “Bong” Gordon Jr. ang iba’t-ibang mga Non Government Organizations (NGOs). Kasama dito ang Free and Accepted Masons of the Philippines, officers and Members of The Order and Knights of Rizal at Kababaihang Rizalistas.

Ang nalikom na mga offerings ay idadag-dag para sa pondo ng City Scholarship na isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Gordon.

“Lagi pa rin nating isapuso ang kahalagahan ng mga gawa ni Dr. Jose Rizal. Dahil hangang sa ngayon, angkop pa rin ang mga ito para sa ating panahon,” paalala ni Dr. Mario Quiambao, Chapter Commander ng Order of the Knights of Rizal. PAO/don

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012