Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, June 18, 2008

WATER SEARCH AND RESCUE TRAINING, GINANAP

Kamakailan ay ginanap ang Water Search and Rescue Training sa Olongapo City Convention Center (OCCC) at Driftwood Beach mula Hunyo 3-6, 2008.

Sa opening ceremonies, dumalo sina Mayor James “Bong” Gordon Jr., Col. Abelardo Villacorta, Kagawad Rodel Cerezo at City Administrator Ferdie Magrata. Naghatid ng mensahe si Mayor Gordon tungkol sa kahalagahan ng water rescue and management.

Ang unang araw ng training ay ginanap sa OCCC. Mga lectures ng apat (4) na modules ang tinalakay. Ang mga modules na tinalakay ay Incident Command Management (ICM), Basic Life Support and Spine Board Management (BLS and SBM), Rope Rescue, Swimming at Life Saving Techniques.

Sa ikalawa hanging ika-apat na araw naman ang demonstration ng mga modules. Sa huling test ng mga trainees, nagkaroon sila ng 1 mile swim at 3 scenarios tungkol sa ICM, flashfloods at rubber boat training kung saan kinailangan nilang i-apply ang mga natutunan nila mula sa training.

May 75 na mga lumahok sa training na ito mula sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno tulad ng Philippine National Police, Bureau of Fire Department, Barangay Rescue at Philippine National Red Cross.

Ang training na ito ay hatid ni Mayor Gordon at ng City Disaster Coordinating Council upang mapaigting pa ang pangangalaga sa kapahamakan at kaligtasan ng mga mamamayang Olongapeño.

Si Mayor James Bong Gordon Jr. habang nagbibigay ng mensahe sa Water Search and Rescue Training sa Olongapo City Convention Center.

PAO/don

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012