Nasakoteng P15-B shabu ng PASG muntik nang maabo
BUTI na lang at hindi pumayag si Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief, Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr., sa kahilingan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director Dionisio Santiago, na i-‘turn over’ sa kanila ang pangangalaga ng may P15 bilyong ‘high grade shabu’ na nakumpiska ng PASG sa Subic Bay Freeport kamakailan.
Kung nagkataon at nailipat sa PDEA ang mga ebidensiya, malamang sunog na rin siguro ang mga iyon dahil sa naganap na sunog sa ‘headquarters’ ng PDEA sa Quezon City kamakalawa ng madaling araw.
Paano magiging ligtas ang mga ebidensiya sa ‘warehouse’ ng PDEA sa Quezon City, Eh! kung iyon ngang ilang milyong halaga ng shabu na nakatago sa kanila at nababatanyang maigi ng mga tauhan ni Direktor Santiago ay naglahong parang bula eh! ito pa kayang bilyon ang halaga ang ’di mawala.
Buti na lang kamo at walang tiwala si PASG chief Villar sa mga tauhan ng PDEA dahil kung nagkataong iti-nurn over nila ang may 745 kilo ng shabu sa PDEA tiyak na naglaho na ang mga at sumama na usok sa kalawakan.
Ilan araw matapos na makumpiska ng mga tauhan ni Villar ang mga ‘high grade shabu’ ni Anthony “Anton” Ang, ay hiniling po umano ni PDEA chief Santiago sa PASG na i-‘turn over’ sa kanila ang may 745 kilo ng shabu na nakumpiska sa Subic Bay Freeport dahil mas ‘secure’ umano at mapapangalagaan pang umanong mabuti ng mga tauhan ng PDEA ang naturang mga ebidensiya.
Hindi po pumayag si PASG chief Villar at sinabi nito na mas ‘secure’ ang mga ebidensiya sa kanilang kustodiya sa Subic Bay Freeport na kung saan nandun ang PASG-Task Force Subic headquarters.
Isa pa, may batik na ang kakayahan ng PDEA kung pagsi-‘secure’ din lang ng mahalagang ebidensiya ang pag-uusapan dahil mismong sa kanilang poder ay nawalan sila ng milyon-milyong halaga ng shabu na kanilang iniingatan na gagamitin sanang ebidensiya sa mga korte laban sa mga ‘drug lord’.
Dapat nga daw ay nagkaroon ng ‘rigodon’ sa PDEA mula itaas hanggang ibaba dahil hindi biro ang nawalang “shabu’ sa kanilang poder, pero sa halip na mangyari iyon ay nananatili pa rin umano ang mga kwestiyonableng tauhan at opisyal ng PDEA sa kanilang mga upuan.
Bagama’t sinabi ni Timothy Teal ang Country Attache’ ng US Drug Enforcement Agency na narito sa bansa para mag-obserba, na hindi siya kumbinsido na ‘secured’ ang mga kumpiskadong shabu dahil nakalagay lang ang mga iyon sa isang nakakandadong ‘container van’ na walang alarm system.
Pero sa kabila ng obserbasyong iyon ng mataas na opisyal ng USDEA ay siniguro naman ni PASG chief Villar na iyon ay ‘highly secured’ sa kanilang kustodiya.
Ako man ay kumbinsido din na mas ‘secure’ sa loob ng ‘headquarters’ ng PASG Task Force Subic ang mga ebidensiya dahil alam kong walang mangangahas na mag hudas at ipagbili ang kaluluwa kung sino man ang bantay nito kapalit ang malaking halaga na maaring i-‘offer’ nang magtatangkang ito at ipuslit na muli.
Mawawala lang ang mga eidensiya sa kustodiya ng PASG sa Subic Freeport kung may masisilaw na tauhan ng PASG sa kinang ng di matatangihang halaga ng salapi na maaaring ipang suhol ng sindikato.
At para makasiguro ka Manong Bebot, kumuha ka na rin ng mga ‘asong gala’ at ilagay mo ito sa isang kulungan na may maliliit na ‘screen’ para di matapunan ng pagkaing may lason. Malaking tulong po ang kahol ng mga ‘asong gala’ at tiyak kung magigising agad ang mga tauhan mo kung makakatulog man sila sa pagbabantay.
At para naman sa mga namumuno ng PDEA at maging sa National Bureau of Investigation (NBI), kalat-na-kalat na po ang balitang si Ang ay nahuli nang minsan ng ‘Manila based narcotics operatives’, matapos na ito ay magpuslit ng shabu at nakalabas ng Subic Bay Freeport. Pero mahiwagang pinakawalan din si
Ang matapos na maglagay umano ito ng may P56 milyong cash.
Kaya kung ako sa inyo, mabuti na rin siguro ang mag-imbestiga tayo sa sarili nating mga bakuran at bigyang priyoridad natin ito dahil tiyak ko hindi lalayo dyan ang unang nakahuli sa ‘drug lord’ na si Ang.
Bagama’t tayo ay walang hinto sa ating operasyon laban sa ipinagbabawal na droga ay laganap pa rin po ang bentahan sa mga kilalang lugar ng mga ‘illegal’ na ‘drugs’ at ilan dito ay ang bisinidad, harapan at loob ng mga kilalang disco theater, sing along bar, at mga ‘grill and restaurants’, tulad ng L.A. Café sa Ermita, Nirvana Disco sa may Taft Ave. at Buendia, Cowboy Grill sa Mabini St., Queens Castle Disco Theater and KTV sa Quezon Ave, Quezon City. By: Jess V. Antiporda JVA'S FOLDER - Journal Online

0 Comments:
Post a Comment
<< Home