2 most wanted sa Gapo bumagsak
OLONGAPO CITY – Nadakip ng mga elemento ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) ang dalawang tinaguriang Most Wanted Person ng lungsod na ito sa magkahiwalay na operasyon kamakalawa ng hapon.
Ayon kat P/Supt. Maristelo Manalo, Provincial CIDT Chief, kinilala ang dalawang nasakote na sina Rogelio Elago, 29, empleyado ng Hanjin Shipyard na residente ng Brgy. Barretto, at Anthony Llado, 33, ng Brgy. East Bajac-Bajac.
Ang dalawa ay kapwa suspek sa brutal na pagpaslang kay Fernando petilo may tatlong taon na ang nakalipas at kapwa may standing arrest warrant na ipinalabas ni Judge Richard Paradezo ng Olongapo City RTC branch 72 na walang inirekomendang piyansa.
Si Elago ay dinakip ng mga awtoridad sa kanyang pinapasukan sa Hanjin Shipyard, na agad naming itinuro ang kasamahang si Llado.

By: Rey Dungog
Labels: CIDT, hanjin, most wanted person, olongapo, zambales
0 Comments:
Post a Comment
<< Home