Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, June 13, 2008

PASG, walang sinasanto

Ang hirap talaga ng buhay sa Pilipinas! Kung sino ang gumagawa ng tama at mabuti ay siya pa ang binabanatan at pinalalabas na masama.

Ganyan ang nangyayari sa Presidential Anti-Smuggling Task Force na pinamumunuan ni Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr., dating alkalde ng Sto. Tomas,Pangasinan.

Sa kagustuhan niyang matigil na ang ismagling sa bansa ay walang takot na hinahabol ngayon ng PASG ang mga ismagler.

Walang sinasanto ang mga operatiba ni Villar para ipakita sa taumbayan na seryoso sila sa anti-smuggling campaign ng gobyerno.

Dahil nasasaktan na ang mga ismagler, may mga balitang gumagastos na ang mga ito ng malaking halaga para lang sirain ang imahe ni Villar at ng kanyang mga tauhan.

Nagsimula ang matinding “kalbaryo” ng mga taga-PASG nang masakote nila ang mahigit 700 kilong high-grade shabu sa Subic.

Kasama ang mga taga-SBMA, nakumpiska ng mga taga-PASG ang nasabing shabu na nagkakahalaga ng P5 bilyon. Pero ayon sa ilang sources ay maaaring umabot ng P14 bilyon ang halaga ng droga dahil mataas ang kantidad nito.

Ang masakit nito ay may ilang opisyal ng gobyerno ang ginagamit ngayon ng sindikato para siraan sina Villar. Ang gusto pa ng mga opisyal na ito ay isalang sa imbestigasyon sina Villar kahit alam nilang tama lang ang ginagawa ng mga taga-PASG.

Pero dahan-dahan lang kayo mga kaibigan dahil kung hindi kayo titigil sa paninira niyo sa PASG, lalo na kay Usec. Villar ay baka kayo ang balikan nito.

Ayon sa sources, ilan sa mga taong ito ay involved din sa mga kalokohan.

Hoy...mga hudas, magsitigil na kayo at baka kapag si Villar na ang naglunsad ng opensiba laban sa inyo ay magsisi kayo!

Abangan!
By: Vic Reyes - SPAR - Journal Online

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012