IKA-110 KALAYAAN NG PILIPINAS IPINAGDIWANG
Sinimulan ang pagdiriwang sa pagkakaroon ng ‘flag raising’ at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Jose Rizal sa pangunguna ni Vice Mayor Cynthia G. Cajudo, mga konsehal, city department heads at employees kasama ang iba’t-ibang civic at fraternal organizations tulad ng Free and Accepted Masons of the Philippines.
Ipinahayag ni Vice Mayor Cajudo sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng kalayaan sa mga Olongapeño. “Tayo ay magkakapatid kaya tulungan natin ang bawat mamamayan ng Olongapo, ang karunungan ay dapat gamitin para sa kaunlaran at hindi sa pagyayabang at paninira sa kapwa.”
“Tayo ay Pilipino kaya dapat unahin natin ang ating bansa at hindi ang pag-alis upang humanap ng trabaho sa ibang bansa,” dagdag pa ni Vice Mayor Cajudo.
Isang parada naman na sinimulan ng ala-una ng hapon sa pangunguna ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. at Olongapo First Lady at Zambales Vice Gov. Anne Marie Gordon sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Drive (RM Drive) patungong Rizal Triangle Covered Court na sinundan ng isang maikling programa sa ika-lima (5) ng hapon.
Ang paggunita sa Olongapo ng ika-110 taong anibersaryo ng Kalayaan ng Bansa ay inorganisa ng City Tourism Council sa pangunguna ni City Councilor Gina Gulanez-Perez at City Tourism Officer Kaye Salumbides-Reyes.
Ang ika-110 Taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas ay ipinagdiwang sa Olongapo sa isang parada na pinangunahan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr., Vice Mayor Cynthia Cajudo, mga opisyal, department heads at empleyado ng City Government nitong Hunyo 12, 2008. PAO/ghabz
Labels: City Mayor James Gordon, news, olongapo, subic, Vice Mayor Cynthia Cajudo
0 Comments:
Post a Comment
<< Home