PROYEKTO NG ESMO: PAGLILINIS NG ILOG, MATAGUMPAY NA ISINASAGAWA!
Sinimulan ng isagawa ang paglilinis ng mga ilog sa Lungsod ng Olongapo sa pangunguna ng Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) na pinamumunuan ni Dante Ramos.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong malinis ang mga ilog at iwasan ang kontaminsyon sa tubig protektahan ang kalikasan. Layunin din nito na makatulong maisulong ang turismo sa lungsod.
Ang proyektong ito ay pinonduhan sa inisyatibo ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr.
“Araw-araw ang paglilinis na ginagawa namin. Sinimulan naming linisan ang ilog sa may Cabalan paikot hanggang sa may ilog ng Pag-asa at Kalaklan. Kumuha kami ng mga tao para maglinis at kabilang na din ang partisipasyon ng mga residente at opisyal na nakatira sa paligid ng ilog,” pahayag ni Engineer Wency Paule, ang nangangasiwa sa proyekto.
“Nagbabahay-bahay din kami para ipakalat ang impormasyon tungkol dito at upang bigyang kaalaman ang mga residente sa mga naidudulot ng pagtatapon ng mga basura sa ilog. Inaaraw-araw namin sila para mapanatili ang disiplina sa kalinisan,” dagdag pa ni Eng. Paule.
Ang proyektong ito ay magtatapos sa Hulyo ng taong ito at inaasahan ang puspusang partisipasyon ng mga residenteng nakatira sa mga lugar na malapit sa ilog na magpatuloy sa pagpapanatili ng kalinisan nito.
Ang paglilinis ng ilog sa Perimeter Channel sa pagitan ng Olongapo at Subic Bay Freeport Zone ay bahagi ng malawakang clean-up na ipinag-utos ni Mayor Bong Gordon upang mapigilan ang paglala ng polusyon.Ang nasabing proyekto ay naglalayong malinis ang mga ilog at iwasan ang kontaminsyon sa tubig protektahan ang kalikasan. Layunin din nito na makatulong maisulong ang turismo sa lungsod.
Ang proyektong ito ay pinonduhan sa inisyatibo ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr.
“Araw-araw ang paglilinis na ginagawa namin. Sinimulan naming linisan ang ilog sa may Cabalan paikot hanggang sa may ilog ng Pag-asa at Kalaklan. Kumuha kami ng mga tao para maglinis at kabilang na din ang partisipasyon ng mga residente at opisyal na nakatira sa paligid ng ilog,” pahayag ni Engineer Wency Paule, ang nangangasiwa sa proyekto.
“Nagbabahay-bahay din kami para ipakalat ang impormasyon tungkol dito at upang bigyang kaalaman ang mga residente sa mga naidudulot ng pagtatapon ng mga basura sa ilog. Inaaraw-araw namin sila para mapanatili ang disiplina sa kalinisan,” dagdag pa ni Eng. Paule.
Ang proyektong ito ay magtatapos sa Hulyo ng taong ito at inaasahan ang puspusang partisipasyon ng mga residenteng nakatira sa mga lugar na malapit sa ilog na magpatuloy sa pagpapanatili ng kalinisan nito.
Labels: City Mayor James Gordon, dante ramos, environment, ESMO, Joint River Clean-ups
0 Comments:
Post a Comment
<< Home