Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, June 11, 2008

Daang milyong halaga ng ‘airsoft’, nakalulusot

Ang dahilan umano ng pagbaha nito sa ‘market’ ay malaking ‘demand’ at ang maluwag na pagpupuslit ng mga ‘airsoft gun’ at ‘paintball guns’ sa mga ‘international airport’ natin tulad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Davao International Airport(DIA), Cebu International Air-port(CIA), Laoag International Airport (LIA) , Clark Field, Subic Bay Freeport at Manila International Container Port(MICP).

MARAMI sa mga kababayan natin na ang libangan ay iba’t ibang uri ng magastos at napakamahal na halaga ng libangan para lang malimutan ang iba’t ibang uri ng krisis na nagaganap hindi lang sa ating bayan kundi maging sa iba pang panig ng mundo.

May nahihilig magtungo sa iba’t ibang mga ‘resorts‘ at local tourists spots’ sa bansa upang personal na makita ang ating yamang kalikasan at may mga nag-e-‘scuba diving’, ‘swimming’, ‘fishing’, ‘mountain climbing’, ‘biking’, at may mga namamasayal sa mga malalaking malls at ‘shopping centers‘ upang mag-enjoy.

Pero ang higit na nakatawag ng aking pansin ay ang pagkalulong ng marami nating kababayan sa napaka-gastos o ‘expensive’ na libangan na kung tagurian ay ‘airsoft shooting competition’ at ‘paintball shooting competition’.

At alam nyo ba na ang ‘airsoft shooting competition’ ay idinaraos ng mga pasimuno nito sa mga abandonado at sirang mga gusali sa Metro Manila at iba pang lugar, samanatalang ang ‘paintball shooting competition;’ ay idinaraos naman sa mga ‘open field’ at mga kabundukan at kagubatan tulad ng Fort Bonifacio, Clark Field, Subic Bay, La Mesa Dam at lalawigan ng Rizal at Bulacan, Laguna na maraming kagubatan.

Ang ‘airsoft competiton’ ay medyo mapanganib at nakakasakit at nabubutas ang balat at maaari pang mabulag ang isang tao na tatamaan nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan partikular sa mata samantalang ang ‘paintball’ ay malalagyan lang ng kulay ang balat at damit ng tatamaan nito.

Mahal po at hindi ‘affordable’ sa mga walang pera ang mga ‘expensive’ na ‘airsoft’ at ’paintball guns’ na ginagamit sa mga competition at nagkakahalaga iyon ng mula P20,000 hanggang P50,000 at magdaragdag pa ang isang may-ari nito ng humigit-kumulang sa P100,000 para maging ‘top of the line’ ang gamit niya.

Karamihan po ay gawang Amerika at Chekoslovakia ang mga ‘airsoft’ at ‘paintball guns’ na dinadala sa bansa.

Marami pong nagkalat at nabibili nito sa mga ‘malls’, ‘shopping centers’, at mga ‘hobby center’ gayung ang ‘importation’ nito ay kasing higpit din at singdami rin ng mga ‘requirements’ na ipinatutupad ng mga awtoridad tulad ng Bureau of Customs (BoC) at PNP-Firearms and Explosives Office(FEO) at maging ng Bureau of Internal Revenue(BIR) para ang isang ‘importer’ ay makapa-import nito.

Ang dahilan umano ng pagbaha nito sa ‘market’ ay malaking ‘demand’ at ang maluwag na pagpupuslit ng mga ‘airsoft gun’ at ‘paintball guns’ sa mga ‘international airport’ natin tulad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Davao International Airport(DIA), Cebu International Air-port(CIA), Laoag International Airport (LIA) , Clark Field, Subic Bay Freeport at Manila International Container Port(MICP).

Regular pong dumarating ang nasabing mga baril sa mga bodega ng NAIA at sa Airmail Distribution Center sa Pasay, DIA, CIA, LIA at kalimitan din ay bitbit ang mga iyon ng mga pasahero atbiyahero na may mga kakuntsabang ‘airport’ at‘customs authorities’ na naka-‘detail’ sa ating mga ‘international air at seaports’.

Samantalang nasa mga ‘balik-bayan boxes’ naman ang mga dumarating sa MICP, Clark at Subic Freeports na sinasalubong ng mga awtoridad nang nasabing mga lugar upang walang aberiyang maipuslit ang mga iyon nang hindi ipinagbabayad ng buwis.

Milyun-milyon pong halaga ng tax at duty ang hindi naibabayad sa pamahalaan partikular sa custom at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga nagupuslit nito sa bansa. Sa kasalukyan, may 200 piraso pang mga ‘airsoft guns’ at 300 ‘paintball guns ‘ ang napipigil ngayon sa ilang bodega sa NAIA at tila hindi mailabas ng ‘importer’ o ‘smuggler’ nito dahil medyo hindi pa nagkakasundo sa halaga ng salaping ipanglalagay kina kolektor at examiner at sa mga tauhan ni hepe.

Hindi po kumikilos ang karamihan sa ating mga awtoridad lalo na ang mga taga-Bureau of Customs at mga taga BIR gayung naglipana at naka-display pa sa mga pangunahing ‘outlets’ ang nasabing mga baril.

Tinitiyak ko sa inyong walang mga permiso para mag-import mula sa Philippine National Police PNP-Firearms and Explosive Office (FEO) ang mga nagpupuslit nito at lalong walang ‘clearance’ ang mga nagpupuslit nito mula sa BIR na magpapatunay na sila ay bayad ng buwis.

Kailangan pa bang ang Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) pa ni Undersecretary Antonio Bebot Villar Jr., ang kumilos para paghuhulihin ang mga ito at upang kayo ay matauhan? Journal Online By: Jess V. Antiporda JVA'S FOLDER

Labels: , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012