Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, June 11, 2008

MAKABAGONG PARAAN NG WASTE DISPOSAL IPAPATUPAD

Sisimulan na ang paggamit ng mas makabagong paraan ng pagkokolekta ng basura bilang bahagi ng mga programa ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. upang mas lalong mapanatili ang kalinisan ng buong Olongapo.

“Ang nasabing programa ay pangungunahan ng Environmental Sanitation and Management Office (ESMO),” ayon kay Mayor Gordon.

Maglalagay aniya ng mga malalaking plastic containers o waste bins na lalagyan ng basura sa iba’t-ibang lugar sa Olongapo na ibabase ayon sa bilang ng mga households ng barangay.

Regular na ring iikot ang mga bagong purchase na ‘truck with mechanical lifting device’ para kolektahin ang mga naipong basura.

Ayon sa ESMO ang nasabing programa ay may pondong nagkakahalaga ng mahigit isandaan at animnapong milyong piso (160M) na inilaan sa dalawang gastusin.

Isandaang limampong milyong piso (150M) ay nakalaan sa pag-purchase ng dalawang klaseng plastic waste containers, garbage compactor trucks with rear end loaders combination of MGB lifting device na kalakip rin ang mga gastusin sa Information, Education at Communication para sa programa.

Samantala, ang walumpung milyong piso (80M) ay nakalaan naman sa Feasibility and detailed Engineering Study para ma-conceptualize ang ‘integrated at environmentally sustainable solid waste management facility sa New Cabalan Controlled dumpsite.

“Ang Feasibility Study ay bahagi pa rin ng mas makabagong paraan na tututok sa prosesong pagdadaanan ng basura pagkatapos itong makolekta,” paliwanag ni Mayor Gordon.

Ang nasabing pag-aaral ay naglalayong sukatin ang posibilidad na i-apply ang Integrated Solid Waste Management (ISWM) sa New Cabalan dumpsite base sa RA 9003. Kalakip rin dito ang pag-aaral sa angkop na disenyo ng dumpsite sa New Cabalan para sa paghahanda sa konstruksyon nito.

Inaasahang mas magiging maayos at madali ang koleksiyon ng basura gamit ang mga nasabing bagong equipment. Posibilidad rin na mabawasan ang bilang ng paghahakot ng mga truck ng basura kung saan sa halip na dalawa ay isang beses na lang.

“Nakalaan ang mas makabagong paraan ng koleksiyon ng basura para mas maging convenient sa mga Olongapeño pagdating sa waste disposal, kailangan lang ang kooperasyon ng mga mamamayan. Since may mga nakalaang lalagyan ng basura marapat lamang po na ilagay ang basura sa tamang lagayan,” pahayag ni Mayor Gordon.

“We all have a social responsibility, ang simpleng pagpulot ng basura at paglalagay nito sa tamang lagayan ay ‘manifestation’ nito,” ang dagdag niyang pahayag. PAO/melai

Labels: , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012