Tree-Top Adventure, binuksan sa Subic
BINUKSAN kamakalawa ng Subic Bay Freeport authorities ang Tree Top Adventure (TTA) sa Subic para sa publiko at magsisilbing isa sa atraksiyon sa turismo dito. Ang bagong makapigil- hiningang mga tanawin na dinarayo sa Subic ay ang malawak na kagubatan na may mga platform na nasa itaas ng mga higanteng punong kahoy na may taas na 10-100 metro mula sa lupa, gayundin ang motorized rides na nakabitin sa mga kable na may habang 140-220 piye.
“This Mother Nature facility is 200 years in the making. The engineering involved in creating these giant trees was done by Mother Nature herself,” ani Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator Armand Arreza sa idinaos na TTA inauguration noong Huwebes.
“If tourists would come looking for some adventure, Subic is ready and raring to give them one,” aniya.
Sinabi ng TTA owner at operator na si Mario Montejo na ang P11-milyong pasilidad ay may tatlong basic adventure tours -- ang Treetop Adventure, kung saan makakalakad ang mga panauhin sa na-kabitin na mga tulay o sa motorized cable rides; Trekking Adventure, na kung saan hahayaan ang mga bisita na makatuklas ng mga pambihirang rainforest’s flora at fauna sa ground level; at sa Ultimate Adventure ay ma-kakaranas ng animo ay lumilipad sa paligid ng gubat.
At para sa mga adventurer na nagnanais ma-karanas ng sukdulan, si-nabi ni Montejo na mayroong “Three Drop Adventure” kung saan ang isa ay maaaring bumitin sa 60-foot tree sa iba’t ibang estilo -- “the conventional, the spider style, and the daring Australian style, which is headfirst.”
Sinabi ni Arreza na ang tree-top adventure facility ay isang bagong uri ng adventure tourism na pinakabago sa SBMA upang makaakit ng mas mara-ming panauhin sa Subic.
Ayon kay Montejo, maraming canopy walks sa ibang bansa pero ang nasa sa Subic ay pambihira dahil ito ay motorized cable lines.
“We wanted to make it safe for our customers, so aside from the safety gears and harnesses, we decided to make everything motorized to ensure people would get from one point of the trail to another,” aniya.
Pagkatapos ng bird’s eye view sa canopy level, inirekumenda na maglakas ng isang oras at kalahati sa kagubatan ng Subic.
Idinagdag niya na ang local Aetas ay nagaalok ng demonstration kung paano mabubuhay sa gubat, sa gitna mismo ng kagubatan. By: Jess V. Antiporda - Journal Online

Labels: sbma, subic, Tourism, tree top adventure, TTA
0 Comments:
Post a Comment
<< Home