BAGONG SASAKYAN PARA SA ASSESSOR’S OFFICE
Pormal nang nai-turn-over ni Mayor James "Bong” Gordon, Jr. sa City Assessors Office na pinamumunuan ni Oscar DG Agustin ang brand new Mitsubishi L300 FB sa Flag Raising Ceremony nitong Lunes, ika-16 ng Hunyo 2008.
Ayon kay Agustin, malaking tulong sa pagtupad ng tungkulin sa kanilang departamento ang nasabing sasakyan.
“Magagamit ang sasakyan para sa transpotasyon ng mga Local Assessment Operation Officers para mas mabilis nilang mapupuntahan ang mga malalayong lugar ng Olongapo para sa ‘ocular inspection’,” ayon kay Agustin.
Magagamit ang nasabing sasakyan sa loob ng lima (5) hanggang sampung (10) taon o mahigit depende sa klase ng paggamit at sa maintenance o pangangalaga dito.
Maliban sa ‘ocular inspection’, magagamit din ang sasakyan sa tax mapping operation o property identification.
“Panatag akong aalagaan at gagamitin ng City Assessors Office ang nasabing sasakyan para mas maging maayos at madali ang kanilang trabaho which primarily deals with ‘property appraisals’,” pahayag ni Mayor Gordon.
Inaasahan naman ng mga taga- Assessors Office na mas masusuyod nila ang lahat ng labing-pitong (17) barangay ng Olongapo upang ma-assist ang mga Olongapeño tungkol sa halaga ng kanilang mga ari-arian o malaman nila kung ito ay taxable o exempt.
Iniaabot ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. kay City Assessor, Oscar DG Agustin ang susi ng brand new Mitsubishi L300 FB sa harap ng Olongapo City Hall Grounds nitong ika-16 ng Hunyo 2008. Ang bagong sasakyan ay inaaasahang magpapahusay pa sa performance ng Assessors’ Office. PAO/melai

Labels: agustin, assessor, City Mayor James Gordon, news, olongapo
0 Comments:
Post a Comment
<< Home