Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, June 16, 2008

Illegal mining sa Zambales pinaaaksyunan

Hiniling kahapon ng mga residente ng Sta. Cruz, Zambales kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na aksyunan na ang malalang problema ng illegal mining sa kanilang bayan.

Sa liham ng mga residente kay Pangulong Arroyo, partikular na pinangangambahan ng mga ito ang 200,000 metrikong tonelada na nickel ore na nakakalat sa kanilang dalampasigan at posibleng magdulot ng pinsala lalo na ngayong panahon ng bagyo at tag-ulan.

Ayon sa mga residente, dapat ay alisin na ang mapaminsalang elemento sa kanilang dalampasigan na mula umano sa ilegal na pagmimina ng kumpanyang A3 Una Mining sa Barangay Bolitok na matagal na nilang inirereklamo sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Zambales Gov. Amor Deloso.

Nakiusap din ang mga ito kay Pangulong Arroyo na utusan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ilabas na ang imbestigasyon sa posibilidad na masampahan ng kasong administratibo at negligence of duty si Deloso dahil sa patuloy nitong hindi pag-aksyon sa kanilang suliranin.

Ang ilegal na mining activities ang itinuturong dahilan sa malaking pinsala na dinanas ng Zambales province sa katatapos na bagyong Cosme nitong nakaraang Mayo.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012