Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, July 12, 2008

‘GAPO PINARANGALAN NG BJMP

Muli na namang umani ng parangal ang Lungsod ng Olongapo para sa walang sawang pagtulong sa mga mamamayan.

Nitong ika-12 ng Hulyo 2008 tinanggap nina Mayor James “Bong” Gordon Jr. at BJMP Olongapo Jail Warden Alberto Balauag ang parangal mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ibinigay ang parangal sa Gazebo Royale, Quezon City kaalinsabay ng ika-labing pitong (17th) anibersaryo ng BJMP.

Ang pamunuang lungsod ng Olongapo, sa pangunguna ni Mayor Gordon, ay masugid na nagbibigay ng tulong sa pagsasaayos ng mga pasilidad at kagamitan na kinakailangan ng BJMP para maging maayos ang pagpapatakbo at para sa ikabubuti ng mga preso.

Kamakailan lamang ay nagbigay ng pondo si Mayor Gordon upang madagdagan pa ang mga ‘cells’ ng BJMP. Ang dating administration building ng BJMP ay isinaayos at naging karagdagang ‘cells’ upang magkaroon ng maayos na tulugan at tuluyan ang mga preso.

Nagbigigay rin ang pamahalaang lungsod ng ‘gasoline allocation’ para sa pagbibiyahe ng mga preso tuwing may court hearing, office supplies at iba pang mga tulong sa utilities ng BJMP.

“Bagamat nakakulong sila ay hindi ibig sabihin na wala na silang karapatan sa maayos na pamumuhay. Ang local government ng Olongapo City ay ginagawa ang lahat ng maitutulong upang mabigyan ng maayos na pasilidad at mga kagamitan ang BJMP dito sa Olongapo,” pahayag ni Mayor Gordon.

Sina Mayor James “Bong” Gordon Jr. at BJMP Olongapo Warden Alberto Balauag habang tinatangap ang parangal ng BJMP mula kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno, ang nagsilbing speaker sa ika-17 na anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Gazebo Royale sa Quezon City nitong ika-12 ng Hulyo 2008.

PAO/Don

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012