GAWANG ‘GAPO, TATLONG TAON NA!
Pangungunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at Olongapo First Lady at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon ang 3rd Year Anniversary ng ‘’Gawang ‘Gapo’’ (Made in Olongapo).
Bubuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng siyam (9) na araw na trade fair ng mahigit dalawampung (20) exhibitors sa ika-22 hanggang 31 ng Agosto 2008 sa lobby ng Olongapo City Mall.
Magpapakita ng kani-kanilang mga natatanging produkto ang mga ito na sadyang ‘made in the city’ tulad ng food, novelty items, accessories at marami pang iba.
Ang ‘’Gawang ‘Gapo Product Exhibit’’ ay sa inisyatiba ni Mayor Gordon at Vice Gov. Anne Gordon na palawigin ang livelihood sa Olongapo na ang pangunahing target ay ang mga nagsisimula at maliliit na negosyante.
Sa ‘’Gawang ‘Gapo Product Exhibit’’ ay binibigyan ng tig-isang linggong pagkakataon ang mga mga lokal manufacturers na i-display at ibenta ang kanilang mga produkto sa lobby ng City Hall.
Layunin ng Livelihood Project na makilala at tangkilikin ng mismong mga taga-Olongapo at mga bumibisita rito tulad ng Lakbay-Aral Delegates ang mga produktong gawa sa lungsod.
Buhat ng simulan ang ‘’Gawang ‘Gapo Product Exhibit’’ noong 2006 ay umabot na sa mahigit isangdaang (100) exhibitors ang nabigyan ng pagkakataong ipakita at makilala ang kanilang mga produkto.

Labels: Gawang ‘Gapo, livelihood training, olongapo
0 Comments:
Post a Comment
<< Home