Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 05, 2008

SEMINAR/ORIENTATION SA SOCIAL RELATED DISEASES

Patuloy na isinasagawa ang orientation/seminar hinggil sa kaalaman sa mga tinaguriang social related diseases tulad ng STI (sexually transmitted infections), HIV (human immunodeficiency virus) at AIDS (acquired immune deficiency syndrome) mula ika-05 hanggang ika-08 ng Agosto sa 2nd Floor, Conference Room, Annex Building Olongapo City Hall.

Kasama ang mga seminar/orientation regarding health sa pagpapatupad ng mga programa ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. na mapangalagaan ang kalusugan ng mga Olongapeño.

Ang naturang seminar/orientation ay base sa Ordinance No. 37 series of 2005 na may titulong “An Ordinance Promulgating Policies and Measures for the Prevention and Control of HIV/AIDS/STD in Olongapo City, creating the Olongapo City AIDS Council and Providing for its Powers and Functions and Providing Penalties for Violations Thereof and for other Purposes.

Nakapaloob sa Artivle VII ng ordinansa na maitaas ang antas ng kaalaman ng lahat ng Aplikante ng Health Permits tungkol sa STI, HIV at AIDS sa pamamagitan ng orientation seminar, advocacy para sa 100% Condom Use Practice (CUP) at maging available ang condom sa mismong establishment.

Tatanggapin ng mga nakapagseminar ang health certificate bilang patunay ng kanilang pag-attend

Magagamit bilang requirement ng mga business establishment owners sa pagkuha ng business permit at work permit naman para sa nag-aapply ng trabaho tulad ng mga waitresses at dishwashers ang naturang health certificates.

Kabilang sa mga speakers ay sina Dra. Nilda Montoya na Head ng Reproductive Health and Wellness Center at Remia Sagaran, Nurse ng City health.
“Required mag-attend ‘yung mga indibiduwal na magtatayo ng businesses tulad ng videoke bars at disco houses at mga gustong mag-work bilang waitresses, service crews at mga kahalintulad na trabaho,” pahayag ng Dra. Montoya.

Bilang bahagi ng pagtalima sa Ordinance No. 37 (series of 2005), patuloy na isinasagawa ang orientation/seminar ng mga social related diseases tulad ng STI (sexually transmitted infections), HIV (human immunodeficiency virus) at AIDS (acquired immune deficiency syndrome) mula ika-05 hanggang ika-08 ng Agosto sa 2nd Floor, Conference Room, Annex Building Olongapo City Hall ng mga speakers/lecturer mula sa City Health Office (CHO).

PAO/melai

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012