Coal-fired power plant sa Subic tinutulan
OLONGAPO CITY--ISANG mapayapang kilos-protesta ang isinagawa ng Subic Bay Coalition Against Coal (SBCAC) Subic – Olongapo City at ilang mga residente noong Setyembre 14 para ikondena ang pagtatayo ng isang coal-fired power plant sa Sitio Naglatore ng Brgy. Cawag, Subic, Zambales.
Magsisilbi ang 300 MW coal-fired power plant sa pangangailangan ng Hanjin, isang dayuhang kompanyang Koreano na kilala sa larangan ng paggawa ng malalaking barko.
Sinimulan ngayong taon ang konstruksiyon ng planta na pag-aari ng Redondo Peninsula Energy, isang joint venture ng Aboitiz Power Corp. at Taiwan Cogen International Corp. Ookupahan ng planta ang mahigit 20 ektarya habang ang 10 ektarya naman ay para sa “ash pond”.
Batay sa pananaliksik ng grupo, magbubuga ang planta ng 650,000 metro tonelada ng carbon kada taon.
“Maliwanag na magdudulot ito ng grabeng pinsala sa kalusugan ng bawat may buhay at tiyak na makadaragdag sa di-normal at mabilis na ‘climate change’ bunga ng mga lasong ibinubuga ng planta na nitrogen oxides, sulfur dioxide, carbon dioxide, at mercury,” ayon sa SBCAC.
Umano’y may bago na namang kalbaryo ang mga taga-Sitio Naglatore, Sampaloc, Nagbayukan at Kinabuksan na pangingisda ang ikinabubuhay.
Hanggang ngayon, nagrereklamo pa rin ang mga residente ng mga kalapit na sitio na sapilitang napaalis sa kanilang tirahan at nawalan ng kabuhayan dahil sa pagtatayo ng shipbuilding facility ng Hanjin.
Ayon naman sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Ecology Department, “done deal” na ang proyekto. Binigyan nila ang kumpanya ng Environmental Compliance Certificate noong Abril 4. Mitch Santos - Pinoy weekly

Labels: aboitiz, coal fired plant, cogen, denr, ecology, sbcac, sbma, subic, zambales
0 Comments:
Post a Comment
<< Home