35, NAGTAPOS SA 2ND BATCH NG BASIC MASSAGE THERAPY COURSE
Tatlumpu’t lima katao (35) ang nagtapos sa second batch ng Basic Massage Therapy Course ng Pamahalaang Lungsod ng Olongapo.
Ipinakilala ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. nitong Ika-3 ng Nobyembre 2008 sa flag raising ceremony ang mga nagtapos ng kurso na ginanap simula Ika-27 hanggang ika-31 ng Oktubre 2008 sa Olongapo City Convention Center.
Matatandaang sa unang pagsasanay sa naturang kurso noong Oktubre 13-17, 2008 ay 79 massage therapists ang nagtapos.
Magkakaroon muli ng ikatlong batch nitong ika-17 hanggang 21 ng Nobyembre, 2008 at sa Nobyembre 24-28, 2008 ang ika-apat na batch.
Kabilang ang Basic Reflexology, Seated Massage at Foot Massage sa isinagawang Basic Massage Therapy Training.
Nanguna sa pagsasagawa ng training si Omar Zeus Beltran , isang Certified Massage Therapist at Technical and Skills Development Authority (TESDA) Accredited.
Para sa iba pang impormasyon at registration, magsadya lamang sa Livelihood and Cooperative Development Office(LCDO) sa 2nd Floor, Olongapo City Hall.
pao/nmm
Labels: lcdo, livelihood training, massage therapy, TESDA
0 Comments:
Post a Comment
<< Home