Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, November 02, 2008

Reklamo vs LK Group of Companies ng Olongapo

Kami po ay tagarito sa Olongapo at nagtatrabaho sa LK Group of Companies na pag-aari ni Gng. Helen Gamboa.

Ito po ay reklamo sa kanyang mga Accounting Staff sa pangunguna ni Cecille Lim. Isa pos a reklamo namin ay an gaming SSS na hindi nahuhulugan. Meron po akong kasamahan na may isang taon nang hindi hinuhulugan ng SSS.

Ang pangalawang reklamo po namin ay an gang pagkakaroon namin ng pagkakataon na makakuha o makautang s Go Nuts Doughnuts (isa sa kanilang pagmamay-ari) at ito po ay ibabawas sa araw n gaming suweldo o Salary Deduction AT COST o kalahati sa kung magkano ibenebenta sa kanilang store. Nagkaroon kami ng problema nitong September 1, 2008 ay magiging selling price ng ‘yung mga kinukuha naming o kung magkano na ‘yung halagang ibenebenta sa store na lubhang napakabigat na sa amin.

Ginawa kaming walang alam nitong si Cecille Lim. Kasi po kung susuriin ang memorandum po ay naaprubahan ng Sept.5, ibig sabihin poi to yung araw ng umpisa ng ipinalabas na memorandum ngunit ang ginawa nila ay ibinawas sa aming suweldo pati ‘yung araw na hindi sakop ng memorandum (September 4, pababa) at pati po ‘yung iba na nabayaran na ay hinabol pa rin at kinaltas pa sa iba ‘yung date na August 15-31.

Inireklamo po naming ito sa accounting ngunit sinabi po nila na ang mismong may-ari raw po ang naglabas nito kaya hindi na po magawang magreklamo ng ilan naming kasamahan sa takot na sila ay tangglin sa trabaho. Sinabi rin po nila na kahit magreklamo pa kami sa Department of Labor ay walang mangyayari dahil malakas sila rito.

Minsan po mayroon silang empleyado na tinaggal na pero hindi agad nila sinabi at hinayaan pa po nilang pumasok ng 15 araw at hindi ibinigay ang sahod.

Mayroon pa pong pangyayari na pinagbabayad sa mga shortage ang bagong empleyado na dapat ay ang mga empleyadong nag-resign na ang magbabayad. Mayroon pa po silang empleyado na tinanggal sa isa nilang negosyo sa pamamagitan ng pagbintang na ito ay nagnakaw ng gamit na may halagang P150,000 pero wala naman pong anumang imbestigayon. Tinanggal lang po nila ito at pinapirma na siya ay natanggal dahil sa pagiging DISHONEST kaya hindi na siya makapaghabol. Nakakapagtaka naman po na pinayagan siyang umalis ng ganun-ganon na lang kung talagang may nawala na patuloy na itinatanggi ng isang empleyado na may nawala sa kanila malamang daw po ay umiiwas lang sila sa anumang babayaran sa kanya.

Habang naghahanap kami ng mga maaaring tumulong sa amin, nagdesisyon an gaming kumpanya na ipasara na ang Internet Café kung saan ako po ay nagtatrabaho bilang Graphic Artist dahil hindi na raw po kaya yung gastusin binigyan kami ng hanggang October 8, 2008.

Subalit makalipas lamang ang ilang araw nasaksiham namin na ito nirenovate nanganaghulugan na umiiwas sila sa kanilang obligasyon. Nang kukunin na naming ang huli naming sahod pinapipirma po kami ng clearance na hindi po clearance kundi clearance nila upang hindi mahabol kung anuman ang kanilang obligasyon sa kanilang mga empleyado.

Nakasaad din po rito na kami ay nag-resign na isa na naman pong kasinungalingan kaya po kami pumayag sa kadahilanang ang sabi po ay ito ay magsasara na.

Nakasaad din po ditto na wala kaming hahabulin sa kanila. Papaano naman po ‘yung mga SSS premium naming na hindi nila hinulugan, 13th month pay at ‘yung dapat na separation pay? Hanggang ngayon po naka-hold ang huli naming sahod.

Umaasa ako na sa pamamagitan ng sulat na ito ay mabigyang hustiya ang mga gianwa nila sa mga taong ang nais lamang po ay mabuhay ang maayos ang kanilang mga pamilya subalit sinasamantala ng ilan upang manlamang sa kapwa.

Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
Wilar Iburan

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012