Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, November 02, 2008

UNDAS SA GAPO, MAPAYAPA!

Pinasalamatan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang iba’t ibang mga “government agencies” na may partisipasyon sa maayos na paggunita sa ‘Araw ng mga Patay’ sa Lungsod ng Olongapo nitong ika-1 ng Nobyembre.

“The commemoration of All Saint’s Day has been generally peaceful and that must be credited to all government agencies who in one way or another contributed to its realization,’’ wika ni Mayor Gordon sa Flag Raising Ceremony nitong ika-3 ng Nobyembre 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Ang Task Force ‘Oplan Kaluluwa 2008’ ay pinangunahan ng Disaster Management Office (DMO) sa pagpapatupad ng mga planong inilatag kaugnay sa selebrasyon ng ‘Undas’ sa lungsod.

Siniguro naman ng Office of the Traffic Management and Public Safety (OTMPS) ang maayos na daloy ng trapiko sa mga lansangan na patungo at palabas ng City Public Cemetery, Olongapo Memorial Park at Heritage Garden sa kabila ng pagdagsa ng libo-libong tao sa mga pangunahing himlayan ng lungsod.

Mahigpit na ipinatupad ng mga kawani ng OTMPS ang “no parking scheme,” “rerouting

schedules” at “designated parking spaces” na ipinagbigay abiso naman ng Public Affairs Office (PAO) sa publiko bago pa man ang araw ng ‘Undas’’.

Magkatuwang naman ang James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH), City Health Office (CHO) at Philippine Red Cross (PRC) sa pagiging handa sa pagtugon sa mga nangailangan ng “medical” at “first aide assistance.”

Naging “visible” rin ang mga kagawad ng Olongapo City Police Office (OCPO) upang panatilihin ang kapayapaan sa mga sementeryo gayundin ang sa mga residential areas.

Binigyang liwanag ng Public Utilities Department (PUD) ang bawat sulok ng mga lugar-libingan at naging alerto naman ang Olongapo City Fire-Rescue Team (OCFRT) at Bureau of Fire Protection (BOFP) sa anumang sakuna o sunog na posibleng maganap.

Agaran ring nilinis ng mga kawani ng Environmental Sanitation ang Management Office (ESMO) ang mga naiwang basura ng mga nagsidalaw sa puntod ng kani-kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Matapos ang ‘’Oplan Kaluluwa 2008’’ na inilunsad ni Mayor Bong Gordon upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga sementeryo at kabuuan ng lungsod nitong nakalipas na ‘’Araw ng mga Patay’’.

Pao/rem

Labels: , , , , , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012