Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, November 03, 2008

GAPO HANDA NA PARA SA ESEA CONFERENCE

Puspusan na ang mga paghahandang isinasagawa ng Lungsod ng Olongapo sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. kaugnay sa gaganaping ‘’The 16th International Conference of the East and Southeast Asia Network for Better Local Government’’ sa ika-19 hanggang 21 ng Nobyembre 2008.

Pangungunahan ng Olongapo ang pagtitipon bilang host city samantalang in-organisa ito ng Local Government Development Foundation at sponsored ng Konrad Adenauer Stiftung, Singapore. Gaganapin ang komperensya sa Subic Bay Exhibition and Convention Center (SBECC) sa Subic Bay Freeport Zone.

Pangunahing pinag-hahanda ni Mayor Bong Gordon ang labing-pitong (17) barangay ng lungsod gayundin ang ibat-ibang sector kabilang na ang nasa business, transport, education, civic at vendor’s organizations.

‘’First impression last kaya mahalaga na unang makita nang ating mga darating na bisita ang kagandahan ng Olongapo at ang ipinagmamalaking mamamayan nito,’’ wika ni Mayor Gordon.

‘’Malaki ang magiging papel ng lungsod kaya mahalaga na matapos ang conference ay makahikayat ang mga darating na government officials ng mga mamumuhunan o investors buhat sa kanilang bansa,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Sa ngayon ay patuloy ang mga isinasagawang pagsasa-ayos sa City Public Market (Bagong Palegke) bilang isa sa papasyalan ng mga darating na panauhin samantalang magiging sentro rin ng atensyon ng ibat-ibang delegasyon ang City Museum at ilang resorts sa Barangay Barretto.

Walong (8) local mayors o kinatawan nito buhat sa walong bansa ang darating kabilang na ang mula sa Cambodia, Indonesia, Malaysia, South Korea, Thailand, Vietnam at ang Germany bilang guest country ng conference.

Sa pulong ay darating rin ang mga experts at practitioners sa larangan ng good governance sa Asia Pacific upang ibahagi ang kanilang mga kaalaman, kakayahan at karanasan sa larangan ng pagpapatakbo ng lokal na gobyerno.

Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012