OLONGAPO VOLUNTEERS BASKETBALL TEAM
Ipinakilala ni Mayor James “Bong” Gordon , Jr. sa flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes ang grupo ng Olongapo Volunteers Basketball Team, sa pangunguna ng kanilang coach na si Kagawad Cesar Lobos at Asst. coaches na sina Ricky Vinoya at Marvin Pacampara.
Ang Olongapo Volunteers Basketball Team ay itinatag upang makibahagi sa programa ng National Basketball Training Center Developmental League (NBTC D-League) na may sinusunod na layunin: 1)” create learning environment opportunities for players to demonstrate and enhance both their individual and team skills; 2) serve as a pathway for the players and coaches to move to a higher-level competition and 3) focus on skill development rather than just winning”.
Nanawagan si Mayor Gordon sa mga residente ng Olongapo na suportahan ang Olongapo Basketball team sa mga laban ng grupo.
Ang National Basketball Training Center (NBTC) na ngayon ay nasa ikalawang taon ay isang programa na suportado ng Nokia at nagsisilbing training ground ng national youth teams. Ang NBTC Developmental League (D-League) ay isang nationwide tournament na lalahukan ng iba’t-ibang lungsod mula sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao.
Unang sasabak ang Olongapo Volunteers Team na kasalukuyan ay may labing-dalawang manlalaro sa Nobyembre 8, 2008 sa Nueva Ecija laban sa koponan ng Tarlac at sa Nobyembre 29, 2008 sa SBMA Gym, Subic Bay Freeport Zone(SBFZ).
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan kay Kagawad Cesar Lobos sa telepono bilang 09174365998.
Si Mayor James Gordon, Jr. habang ipinapakilala ang grupo ng Olongapo Volunteers Basketball Team kasama ang kanilang mga coaches na sina Kagawad Cesar Lobos, Ricky Vinoya at Marvin Pacampara nitong Nobyembre 03, 2008 sa ginanap na flag raising ceremony.
pao/nmm

0 Comments:
Post a Comment
<< Home