ISA PANG ALALAY SA KALUSUGAN PROJECT ISINAGAWA SA SUBIC, ZAMBALES
Subic, Zambales. Malulusog na pamilya para sa pasko ang pangunahing layunin ng Alalay sa Kalusugan project ng DZRH Operation Tulong at Radyo Natin Subic kaninang umaga ng Linggo ika-6 ng Disyembre sa isinagawang medical-dental mission sa Sitio Pucat, barangay Calapandayan, Subic, Zambales.
Tumulong para sa proyektong ito sa mga gastusin at mga kailangang gamot ang Zambales War Against Poverty Foundation Inc. at YWA Human Resource Corporation.
Ayon kay Ramon G. Lacbain II, dating bise gobernador ng Zambales at kasalukuyang executive director ng nasabing foundation, “layunin natin na matugunan ang matinding pangangailangan sa maayos na kalusugan para sa bawat pamilya mula sa mga maliliit at malalayong sitio sa Subic.
Nagpapasalamat ako sa tulong nila doktor Ramon Escala, Johnny Castor, Anna Figueres at Leah Labampa at mga opisyales at miyembro ng Zambales War Against Poverty Foundation Inc. at ng Radyo Natin Subic at gayundin lalong-lalong na DZRH Operation Tulong – Zambales/Olongapo Chapter at YWA Human Resource Corp”.
Mahigit sa 100 pamilya ang nakinabang sa libreng konsulta, libreng bunot ng ngipin at mga libreng mga gamot at bitamina mula sa proyektong ito.
Naghandog din ng mga piling awitin bilang kasiyahan, habang isinasagawa ang gamutan, ang dalawang anak ni dating bise gobernador Lacbain na sina Maeraquel at Lauramae at kanilang mga pinsan na sina Smile, Andrea at Melay Villaruz.
Ilang linggo lamang ang nakakraan noong Nobyembre 23 ay isinagawa rin ang ganitong proyekto sa Purok 4, barangay Mangan-vaca, Subic, Zambales na nakatulong sa may 200 pasyente sa medical at mga 80 pasyente naman sa dental.
Natutuwa kaming maging bahagi ng proyektong ito para matulungan ang marami nating mga mahihirap na mamamayan lalong-lalo na sa panahong ito ng kapaskuhan. Ang aming kompanya sa tulong ni dating bise gobernador Lacbain ay nakahandang tulungan ang mga taga-Subic at maging mga taga-Zambales at Olongapo City na may sapat at tamang qualification para makapagtrabaho sa ibang bansa at kumita ng sapat na halaga para sa kani-kanilang pamilya”, pahayag naman ni Nick Quibrantar, pangulo ng YWA Human Resource Corp. By Ramon Lacbain II

Labels: calapandayan, lacbain, Olongapo City, Subic Zambales, zwap
0 Comments:
Post a Comment
<< Home