Sitio Mamayok Subic Medical Mission
MGA RESIDENTE NG SITIO TAMAYOK SA BARANGAY ILWAS, SUBIC NATUWA SA KAUNA-UNAHANG MEDICAL-DENTAL MISSION NA ISINAGAWA SA LUGAR NILA
Subic, Zambales. Tuwang-tuwa ang may 100 pamilya sa sitio Tamayok sa barangay Ilwas sa bayan na ito sa isinagawang kauna-unahang medical-dental mission sa kanilang lugar ng DZRH Operation Tulong – Zambales/Olongapo chapter at Radyo Natin Subic sa pangunguna ni dating bise gobernador ng Zambales na si Ramon Lacbain II.
Matapos ang kalahating araw ay inabot ng 246 ang mga pasyenteng nabigyan ng libreng mga gamot, 148 pasyente naman ang nabigyan ng libreng konsultang medikal at 47 naman ang mga pasyenteng nabunutan ng ngipin.
Ang mga libreng gamot ay bigay ng Botika Natin sa Nayon na isang proyekto ng Zambales War Against Poverty Foundation, Inc. at ng Botika ng Bayan na isa namang proyekto ng Philippine International Trading Corporation (PITC) – Pharma Inc.
Nagbigay naman ng libreng konsulta si Dr. John Castor na isang medical doctor at isa sa mga direktor ng People’s Task Force on Hanjin & Subic Bay Inc. at si Leah Labampa ng isang dental doctor na taga Subic ang nagbigay ng libreng bunot ngipin.
“Maraming mga mahihirap na mga pamilya sa mga sulok-sulok ng bayan ng Subic ang nangangailangan ng pansin at tulong para sa kanilang kalusugan at kabuhayan kaya naman itong proyektong ito ay buwan-buwan naming ginagawa sa DZRH Operation Tulong.
Nakakagulat malaman na ang aming mga napuntahan ay fist time pa lamang nakaranas ng medical-dental mission kagaya sa Purok 4 ng brgy. Mangan-vaca, sa Sitio Pucat sa brgy. Calapandayan, sa Sitio Matangib sa brgy. Cawag at itong katatapos sa Sitio Tamayok sa brgy. Ilwas”, ayon kay Lacbain bilang team leader ng DZRH Operation Tulong at Executive Director ng Zambales War Against Poverty Foundation Inc.
Ayon naman kay Mary Grace Rull na taga Sitio Tamayok, “lubos po ang aming pasasalamat at nagkaroon ng medical-dental mission dito sa aming lugar. Matagal na rin po namin ito hinahangad at mayroon na ring mga nagsabi noon pa na sila ay magsasagawa ng mission dito pero hindi naman po sila dumarating. Samantalang itong DZRH Operation Tulong ay biglaang dumating dito para alalayan kami sa aming mga kalusugan kahint wala silang pangako”.

Labels: lacbain, medical mission, subic, zambales
0 Comments:
Post a Comment
<< Home